Wednesday, April 18, 2012

Some Constellation

Para sa mga sawi, in love, friendzoned, at everything in between. 






"Some Constellation"
Someone Still Loves You Boris Yeltsin

Birds on her pillow 
And paper lanterns hangin’ from the ceiling 
Sticky stars aglow 
Mappin’ out some constellation 
I’m tired of standing in the light outside her window 
For her I would row to the ends of my imagination. 
  
Pleasure to behold 
A silhouette so real yet oh so static 
Measured and controlled 
Let’s down her hair, takes off her army jacket 
I’m tryin to figure out what’s right—do i stay or go? 
My, for all she doesn’t know… 

It's not right, I'm your sole satellite floating undetected orbiting your somnambulant light
It's not right, you're my lone satellite but I'm only ever near you in the middle of the night


Okay, mga kapatid, sabay sabay nating punasan ang mga nangilid nating luha at tayo'y sumandal sa pader.



Friday, April 13, 2012

Pogi ba hanap mo? MODEL-i lang yan.

"...but somehow when it's real, when it's your life...that person can even feel farther off and more unobtainable than an actual celebrity. Proximity doesn't breed familiarity."- Jubilee Dougal, "The Jubilee Express" ("Let It Snow")

Pagbiyan niyo na ko sa not-so-funny but very pun-y (mwehehe) titles ko. Sa totoo lang, nahirapan talaga akong gawin tong post na to dahil nagmamaramot ako at ayoko i-share ang mga master bakers ko sa inyo. Inyo, meaning Ryo and Fiona, at sa kung sino pang namali ng type sa Google at napapadpad dito. Pero dahil na-inspire ako sa quote above galing sa librong binabasa ko, "Let It Snow" (more on this later), sige na nga. Pero let it be known na AKIN PA RIN ANG MGA MASTER BAKERS NA TO, PWEDENG MAPOGIAN PERO AKIN PA RIN SILA.  Okay, back to regular programming.

Di ko alam kung san nag-ugat ang pagmamahal, or mas akma ata na pagnanasa, ko sa mga model na to. Pero malamang sa malamang, boredom plus Youtube ang may kinalaman dito. Alam niyo naman na maraming ipinakikilalang mundo ang Youtube sa kin, ehem ehem, at isa na dito ang male models! Woohoo! Eto na, with matching videos and pictures pa, ang top wateber master bakers/models na talaga namang nagpapaligaya sa kin. In no particular order para di sila mag-away away para lang sa atensyon ko, haba ng hurr ko e.

1. Matthew Hitt

"Rawr" goes my, um, heart.



Hihihi brrr...


Si Matt talaga ang nagpasimula ng lahat. Hindi ko alam kung pano ako napadpad sa video niya, pero buti na lang napadpad ako sa video niya! Bukod sa mala male version ni Leighton Meester looks niya, isa rin siyang musician (The Drowners), at isang malaking dork. Bilang patunay, dalawin ang mga videos na to: 1, 2, at 3. Sa sobrang pagnanasa ko sa kanya, may folder ako sa desktop ko na ang pangalan ay Tadhana at puro pictures niya andun. Wag kang magkaila, alam kong may ganyang folder ka rin sa desktop mo! At bilang pabaon, eto ang casting video niya para sa remake ng "Edward Scissorhands". Enjoy! 



2. Miles McMillan

Heath Ledger, is that you?


Hihihi brrr...


BOOM!
Miles, Miles, Miles. Haaay. Una ko siyang nadiscover sa magical world also known as the home to everything happy and sparkling also known as Tumblr. Di ko pa siya kilala pero hawig siya kay Heath Ledger at kay Joseph Gordon-Levitt in some angles. Pero dahil magical nga ang Tumblr, jeren! Isa siyang studio art graduate from NYU at isang artist pag di siya busyng maglakad at magpapogi sa runway. I-lilink ko sana dito ang blog niya na puro paintings niya, pero wag na lang kasi nga akin lang siya. For sharing purposes lang talaga tong post na to kaya walang ninjahan, hmkay? May special place siya di lamang sa puso ko, kundi pati na rin sa phone ko dahil may folder ako dun especially for him. Hihihi.

3. Alexander Johansson

You talaga.


Legs pa lang, ulam na.



Si Alexander ang latest discovery ko, dahil ang Youtube talaga ay pseudo Discovery Channel. Ang pogi niya, yun lang, wala nang paligoy ligoy pa. Haha! At nakakatuwa dahil may pagka mama's boy din siya at mahiyain! Yan ang tipo kong lalaki, mahiyaing pogi. Hihihi. At dahil mas masarap siyang lapastanganin in video format, jeren!





4. Robbie Wadge

"Ay, may photoshoot ba? Okay." - Robbie (oo, nagta Tagalog siya with a British accent)


"Ah poker face ba? Akala ko pogi face e." - Robbie

Kung magkakababy sila Leonardo Dicaprio, Alex Band, at Nick Carter, si Robbie ang kalalabasan. Pogi na nga siya, may British accent pa! Win win situation! As always, everything's better in video format, boom!








Yes, you're welcome. Ika nga nila, sharing is caring, pero in this case, sharing is just sharing. Walang ninjahan, blah blah, akin sila,  blah blah, binakuran ko na yan, blah blah.

Saturday, February 11, 2012

Queen of the Pilates*

So nag Pipilates na ko. Sige, tawa ka lang...tawa pa...game na? Halos lahat kasi ng mga kaibigan ko at mga kamag-anak ko na sinabihan ko nyan, kung hindi natawa, nagkaron ng kawawa-ka-naman stare sa mukha nila. 


Five days ago, habang bored at nangstastalk ng mga models sa Twitter, nagka random thought ako na magsisimula na kong mag-exercise. Actually, maraming beses na tong sumagi sa isipan ko pero malakas kasi talaga ang tawag ng kama at ng masasarap na pagkain sa kin. Para bang tuwing naiisip kong maghehealthy living na ko, biglang uulan or biglang kakatok kapatid ko sa kwarto at mag-aaya na magpa deliver kami sa Mcdo. Haay. Pero dahil malayo pa naman ang tag-ulan at dahil nagtitipid kapatid ko, parang uubra na ata ang healthy living mode ko! Nag Google muna ako ng masasayang (aka madadali at di nakakapagod) workout na pwedeng gawin ng mga beginners na may separation anxiety sa kama at pagkain like me. Tatlo yung appealing na workout, namely: The Four Minute Exercise or TFME para maiksi (salamat kay Tita Winnie Cordero of TV Patrol para dito), Yoga, at Pilates.


Tinry ko ang four minute exercise, kasi, the, four minutes lang yun at di nakakapagod! Yan ang sabi ko bago ko simulan yung lecheng four minute na exercise na yan. Basically, 10 counts of jumping jacks, squats, lunges, at sit-ups na uulit ulitin mo hanggang mag four minutes ang TFME, dali lang diba? ENG! (yan yung sound ng buzzer pag mali ka ng sagot sa game show). Pakshet, 3 araw na pananakit ng katawan ang katumbas ng four minutes na yan! At isa pa, hindi ako marunong mag squat, tanungin mo pa ang FPF professor ko na pinagdemo ako ng pagsqusquat sa harap ng buong classmates ko sa PE! Kaya obviously, di kami meant to be ng TFME.


Next ko namang tinry ang yoga, syempre thru Youtube lang dahil binalikan ko na ang a bum's life. Tsaka isa pa, ayoko namang mag-enroll sa isang class na alam kong di ko naman papasukan religiously, parang PI 100 lang (na sa sobrang di ko pagpasok sa subject na to, nakalimutan ko tawag sa kanya at ginoogle ko pa ang equivalent ng Rizal studies sa UP Manila). Dahil marami namang gusto rin maghealthy living at uso ang Yoga, di ako nahirapan makakita ng Yoga videos. Tinignan ko mga Yoga positions, parang kaya ko naman, emphasis on the word 'parang'. After several tries, naconclude ko na tulad ng Math, PE, at ni Ivan (sorry, Valentines e), Yoga and Angge, do not mix.


At this point, ayoko na ulet maghealthy living kasi parang ayaw talaga ng tadhana at ng kama ko at ng masasarap na pagkain na magbagong buhay ako, pero dahil shet, wala na talaga akong magawang masayang gawin, fine, Pilates naman ni-Youtube ko. Nakakita ako ng isang video for beginners na mukhang madali lang gawin. Syempre, alam niyo nang di talaga madali diba, pero dahil wala na kong ibang options, pwede na nga. At huwow, ang saya! As in totoong saya ah, na kahit minumura na ko ng mga mercy at ng likod ko, masaya ako after ng, you know, workout ko. Simple lang kasi yung workout tapos wala masyadong tools na kailangan. Mat, workout clothes, at maraming maraming fighting spirit at will power lang kailangan. Dahil ako si Angge, check na yung third requirement para sa Pilates. At dahil din ako si Angge, wala akong mat at workout clothes, pero dahil resourceful naman ako, jeren!



EXPECTATIONS: Store-bought, actual Yoga mat


REALITY: Store-bought din, actual din, kumot nga lang. (at least medyo hawig sa tunay na Yoga mat yung pattern!)


 EXPECTATIONS: Mamahaling Lycra gym clothes.


REALITY: Mumurahing pambahay/pantulog/everyday wear. At oo, mga polar bear na may Santa hat pattern ng pajama ko, deal with it.

I-congratulate niyo ko dahil 5 days na kong nagpi Pilates nang walang mintis! 30 minute session yung nasa Youtube at masaya yung instructor. Kahit pa halos araw-araw kong minumura sarili ko tuwing nagpi Pilates ako dahil ang sakit sa katawan (lalo ka na leg circles! damn you ka!), nakaka addict pala mag exercise! Yes, my friends, ako to, di ako sinaniban ng kaluluwa ni Jane Fonda. At para ma-inspire kayo at para naman may karamay ako sa pangyuyurak sa sarili ko, eto na ang video link ng Pilates for beginners c/o Cassey Ho ng Blogilates channel. Promise, kung kaya ko to, kaya niyo rin!


Game, para maging "Pilates" of the Carribean na tayo! Corny, I know, deal with it na lang ulet.

*Ang title ng post na ito ay inspired by the 1960 film, "Queen of the Pirates". Oo, pinag-iisipan ko talaga ang mga blog titles ko. Naisip ko nung una, "Pilates" of the Carribean, na di ko ma let go kaya siningit ko pa rin sa entry na to. I thank you, bow.

Saturday, January 28, 2012

50/50

Bilang lang sa daliri yung mga movie na pwede kong i-loop sa utak ko forever and ever. Kasama na dun ang "Up", "Tangled", "Eternal Sunshine of the Spotless Mind", and "Little Miss Sunshine". Obviously, madali lang akong i-satisfy movie wise, pero maygad, tataas na ata ang standards ko after ko mapanood ang "50/50"!


A score of 100% para sa "50/50".


Una kong nakita ung movie poster ng "50/50" sa Tumblr dahil alam naman nating teritoryo ni Joseph Gordon-Levitt ang Tumblr. Di ko siya pinansin kasi wala pa naman akong naririnig na buzz tungkol sa movie na to tsaka mukhang typical cancer movie lang siya. Yun ang akala ko. 


Ang premise basically ay si Adam Lerner (Joseph Gordon-Levitt) ay isang 27 year old radio ads writer na na diagnose na may rare type of cancer na Schwannoma. Buong movie, pinakita ung ordeal niya di lang sa cancer, kundi pati na rin ung overlapping issues niya sa family niya, sa career nya, at sa love life niya. Kasama din ni Adam dito si Kyle (Seth Rogen), ang potty mouth best friend niya since high school. Dito pinakita yung loyalty and love ni Kyle kay Adam sa buong struggle niya with cancer. Kasama din sa cast si Anjelica Houston as Adam's mom, Anna Kendrick as Katie McKay/therapist ni Adam, and Bryce Dallas Howard as Rachael as ex-girlfriend ni Adam. Of all the characters, pinaka effective sila Joseph, Seth, at Anjelica. As in! Sa breakdown scene ni Adam (at in turn, breakdown scene ko din) one day before ng surgery niya, mararamdaman mo talaga yung sakit na 27 lang siya tapos may taning na buhay niya. Huhuhu. Se pelikulang to lang ata talaga ko halos madehydrate na sa kakaiyak.


"50/50" movie screen shots taken from Semipro8 dahil mugto na yung mata ko para magpicture pa.

Isa pang masaya sa movie na to, nagfocus talaga siya sa cancer situation ni Adam, kahit pa may mga issues on the side. Hindi siya naging maganda dahil may love story na nakakakilig, maganda siya kasi honest yung approach sa pelikula. Pinakita talaga kung anong pinagdadaanan ng cancer patients at ng respective families nila. Na di ka naman talaga nag-iisa tulad ng iniisip mo. Sa movie kasi, nagulat si Adam na kahit may pagka douchebag si Kyle, nakita niyang may binabasang book about cancer si Kyle at with matching dog-eared pages pa! Yung mama din niya na feeling niya sinasakal siya sa sobrang pagka overprotective, sumali sa isang cancer support group. Syempre alam niyo na na dito ako nagbawas ng water weight kakaiyak. Haha!

At syempre dahil nasa movie na to si Seth Rogen, laughtrip din siya! Gaano ka laughtrip? As in nilayasan ako ng kapatid ko kasi nadidistract siya sa kakatawa ko. Haha! Pero pramis, pinagaan ni Seth or ng character niya ung bigat ng sitwasyon. Kung wala siya sa movie na to, kinatok na siguro ako ng mga magulang ko dahil sa mga hagulgol ko. 

Sobrang ganda din ng soundtrack ng movieng to! Bawat kanta, swak sa sitwasyon, lalo na ung "High and Dry" ng Radiohead. Makakarelate ka kahit di kasing bigat ng pinagdadaanan ni Adam ang kung ano mang pinagdadaanan mo. Kung kailangan mo ng bagong mga kanta para sa iPod mo, unahin mo soundtrack nito. 

Kailangan ko pa ba talagang bigyan ng rating ang pelikulang to? By the way, based on a true story din siya! Oha oha! According sa IMDB ng "50/50", si James McAvoy (from "Wanted" at "Penelope") ang original choice para sa role ni Adam, pero nagka conflict sa schedule. Buti na lang dahil whoo, ang galing galing ni Joseph dito! Pipila na ko kasama ng mga minions mo! 

Ayon sa mga haka haka aka Facebook friends, di daw ipapalabas "50/50" dito sa Pilipinas, buti na lang kasi parang ayoko naman atang ngumawa at humalakhak simultaneously sa sinehan. 

Overall, A+++ ang "50/50" para sa kin. Palagpasin mo na lahat except to at ang am, "Hunger Games" (magpakita ka na sa kin sa bookstores, please?). Kung di pa rin sapat ang post na to, eto ang trailer ng "50/50". Enjoy!




Monday, December 12, 2011

Naranasan mo na ba yung na obsess ka sa isang bagay or tao tapos 24/7 mo nang iniisip yung bagay/tao na yun? Kasi ako, oo. At hindi lang basta basta obsession dahil ako ngayon ay adik sa, jeren, scented candles! 

Di ko alam kung san nag-ugat ang pagmamahal ko sa mga kandila, pero parang dahil ata to sa mga girly Tumblrs na binibisita ko na yung mga kwarto nila, laging may pakandi kandila effect, at dahil inggitera ever ako, gusto ko din ng ganun. Haha! At dun na nga nagsimula ang random obsession ko sa mga scented candles. Gano ka obsessed? As in nag gooGoogle pa ko kung pano ba ang tamang paraan ng pagsindi ng kandila. Hindi pala basta basta na sisindihin mo lang kandila mo, dapat pala may pa trim trim wateber pa para hindi amoy usok pagsindi mo, tapos dapat hindi hinihipan yung ilaw, dapat pala, ehem, dinidip sa wax. At dahil wala naman akong kahit anong proper candle lighting apparatus, ginamit ko yung mga nasa dissecting kit ko at nail cutter bilang wick trimmer. Kurips committee, put your hands up! Haha! Medyo fail pa nga ngayon kasi amoy pintura pa kwarto ko, pero homaygad, naeexcite na kong bumili ng iba ibang scents ng kandila! Currently, meron akong Alice Blue Peppermint and White Tea and Ginger, pero ang tinitibok talaga ng puso ko ay yung mga amoy pagkain na scents. Hanggang sa kandila, pagkain pa rin priority ko. Haha! May bago akong discovery, ang Amber Lights Laguna candles. Ang pinagpipilian ko ay Chocolate Mint at Banana Nut Bread, pero parang umeeksena si Baby Powder.

Candles be love? (Weh)

At dahil din sa newfound love ko, nadiscover ko na may, ehem, Spirtophobia pala ako. Oo, ginoogle ko talaga ang term na yan at natuwa naman ako na di pala ako nag-iisa. Ang Spirtophobia ay ang fear of lighting matches. Yes, my friends, takot ako magsindi ng posporo. As in nanginginig ako habang nagsisindi ng kandila. Huhu. Nakasindi na sana ako ng isa tapos nagpanic ako at nabitawan ko siya sabay apak sa posporo. Huhu. Pero sabi nga nila, walang makakapigil sa taong in love, at dahil in love ako sa kandila, nagawan ko yan ng paraan! Bumili ako ng automatic candle lighter! Harhar. Kaya medyo may kayabangan na kong magsindi ng kandila ngayon. Uutuin pa sana ako ni kuya Handy Man na bilhin yung refillable na lighter, e P500 kaya yun! P42 lang bili ko dun sa kin at isa pa, di ko kailangan ng refillable dahil marami namang nagmamahal sa kin na willing sindihan mga kandila ko pag ubos na Butane ng lighter ko, pweh.

In relation to candles and whatnot, isang maligayang haberday kay Irog! Ika nga nila e, you light up my life. Haha! :P

Tuesday, November 29, 2011

Kung binabasa mo ang entry na to, malamang ikaw si Ryo or napadaan ka sa blog ni Ryo at nakita na nagpalit na pala ako ng blog URL. Pero kung none of the above ka sa mga nabanggit ko, hello there, my friend! Haha!


Kanina, habang bahagya kaming napapasandal ni Ryo sa pader dahil sa kasaklapan ng mga career (naks) namin, naisip namin na mag Christmas party para sumaya naman kami. At dahil sugapa si Nye Nye sa regalo, i mean, spirit of Christmas, mag exchange gift daw kami! Ang unang reaction ko ay, "Shet, gastos na naman.", pero dahil sabi ni Ryo, pwedeng magwishlist, here we are. Madaliang wishlist to kasi gusto kong gumawa nang masaya ako at bukal sa kalooban ko. Haha! Kung di ka kasali sa Christmas party namin pero gusto mo kong regaluhan, di ko tatanggihan yan. Anyway, here we go!



1. "The Brightest Star in the Sky" by Marian Keyes

Nadaanan ko lang to sa bookstore nung kelan at parang maganda sya. Favorite ko kasi ung mga stories na based on different perspectives. Ang sarap mawitness kung san nagkakapareho at nagkakaiba mga tao. Sayang wala to sa bookstore kanina, tanggal na sana to sa wishlist ko. Haha!


2. "An Abundance of Katherines" by John Green

Actually, ang pagkagusto ko sa librong to ay based lang sa "Looking For Alaska" ni John Green. Ang ganda ganda kasi ng pagkasulat nun kaya na curious ako dito. At based sa reviews sa Goodreads, mukhang maganda naman sya.


3. "The Happiness Project" by Gretchen Rubin

Dahil kailangan ko ng iba pang rason para sumaya bukod sa pagkain. Haha!



4. Alice Blue Soy Candle in Vanilla Sugar

Nang ma relax naman ako kahit sa bago man lang ako matulog. Available nga pala to sa Trinoma, in case mahirapan kayo maghanap. Haha!

5. Zen Zest Peppermint Foot Spray

Marami kasi akong lakarin papuntang office kaya pag-uwi ko ng bahay, masakit na paa ko. Alam nyo naman, di pa kami masyadong friends ng driving skills ko, baka ninjahin nya ko in times of despair.


6. Converse Sequined Leather Sneakers

Dahil ako ay Chucks girl at heart, kailangan ko to sa buhay ko! As in! I-prioritize nyo to!



7. Bose Ipod Dock


Syempre hindi kailangan na itong brand na to, dahil kahit mahal ko sarili ko, di ako bibili nito. Pero kung may 13th month pay ka na tapos di mo na alam kung pano mo sya gagastusin, I'm just a call and text away. Solusyunan natin yan, kaibigan.




8. Superheadz Super Fat Lens Ultra Wide Angle Camera

Matagal ko na tong pinupuntirya, pero for some reason, pag oorderin ko na sya, namamahalan na ko. Haha! What's new, cashew? Kurips committee, represent!


9. Polaroid Camera

Obsolete na ata tong camera na to, pero shet, gusto ko ng Polaroid cam!

10. Etude House Eyebrow Kit

Dahil napansin ko na di pala ko pinagpala sa kilay, semi kailangan ko to. Haha!


There you go! Meron pa kayong 26 (?) days to go para mag-ipon at ibigay to sa kin. Haha! Ryo, Fiona, Jona, Pau, at Jhe, meron pa kayong 18 days para mag-ipon. I'll be waiting. Bleh yaks. Haha!

Tuesday, August 23, 2011

Kahapon, habang subsob (hindi naman) kami sa pagttrabaho, biglang nawalan ng kuryente. Dali dali naming tinipon ang isa't isa at tiniyak na kumpleto kaming lahat. "Brownout ba?", tanong ng isa. "Mukha nga.", sagot ng isa. Ngunit ang isang simpleng brownout ay isa palang.....*tenenen* problema sa kuntador! O hindi, mahabaging Ama!


Anyway, ayun nga, nagshort circuit na pala kuntador namin at may pa-spark spark pa sya. Akala nya ata nasa video sya ni Katy Perry. At dahil mainit, malagkit, madilim, at malamok, nagdeclare kami ng half day kahapon. Akala namin, okay na lahat ngaun dahil may pupunta na daw na electrician, pero nang nagdecide si Kuya Electrician na mas marami pa syang importanteng gagawin kesa ayusin ang kuntador namin, nininja nya kami, so "brownout" part 2 kami. E nakakatamad dahil mainit, malagkit, madilim, at malamok (na naman), nag SM na lang kami. Oo, employees of the year kami, we already! Haha! Dahil lunchtime na din, kumain na kami sa Mr. Chow, at maygad, kung PG mode ka tapos P100 na lang pera mo, this is the place to be! Unlimited, ehem, yang chow rice with toppings for P98! Syempre alam na natin kung sinong nagpakasasa sa kanin, alam nyo na yan. Haha! Pero dahil bored pa rin kami, napasine kami. Akala mo accidental lang lahat e no. Kaya ang uwi, "Crazy, Stupid Love". Eto na talaga ung totoong topic ngaun, bale buildup lang ung isa't kalahating paragraph.




Pinilit kong di piliin ung may picture ni Ryan, baka di ako matapos sa post e. Hihi.




Ang "Crazy, Stupid Love" ay tungkol kay Cal (Steve Carell) at Emily (Julianne Moore) na may pinagdadaanang marital problem at sumuko na sa isa't isa. Pasok si Jacob (Ryan Gosling) na, sabi nga ni Coco my lab, yammi! Si Jacob ay isang womanizer, womanizer, oh you're a womanizer (kinanta mo, alam ko!) na tinulungan syang makita ulet ang kanyang paglalaki, at hindi, hindi sa paraang iniisip mo, you pervert! Masaya ung transformation process kasi bihira lang i-makeover ang mga lalaki sa movies, at bihirang kasing pogi ni Ryan ang nagmamakeover. Andito rin si Emma Stone na mahal na mahal ko since "House Bunny". Ang masasabi ko lang sa tambalang Emma at Ryan, pwede na, pero sa tambalang Angge at Ryan, pwedeng pwede, with conviction! Overall, maraming happy moments ang movie na to. Hangkyut din ni Jonah Bobo, though di sya pinagpala sa apelido. Haha! Pero kelangan mo ba syang panoorin sa sinehan? Pwede magpass at panoorin na lang sya sa HBO. Kung gusto mo namang makita nang malakihan ang bakery ni Ryan sa tyan nya, P160 movie ticket kapalit nya. Rating ko for "Crazy, Stupid Love", 3.5 out of 5 , dahil as a rom-com, naachieve naman nya ung goal nya, pero para gumastos ka sa sine, parang tagilid. Mahal pa rin kita, Ryan, don't fret (naks)!


So there, motherfather. Nga pala, on-hold ang mga 30 day challenge wateber ko dahil alam nyo na ulet, nakakatamad. Hihi.