Saturday, March 30, 2013

Last But Not The List: Limang Pampainit Ngayong Tag-init

Kung porn ang hanap mo, nagkamali ka ng click sa Google dahil ibang klaseng pampainit ang makikita mo dito. Dahil sa isang malungkot/masayang tagpo na nangyari kamakailan, mas namulat ako sa mga bagay na sandali kong nakalimutan kasi akala ko, sapat na yung 'init' na nakukuha ko sa kanya, pero dahil nanlamig na ang dating mainit,jeren. Sabi ko di ko na babanggitin yun e, dammit. Anyway.

Kakagaling ko lang sa Holy Week vacation/nilay-nilay time at eto ang limang bagay na 'nagpainit' (bakit ko ba kasi naisip isip tong title na to e.) sa aking tag-init.

1. Paalam 'therainbowkid', hello 'imaginedmeanings'! 

Dahil sa isang pag-amin, napaamin din ako na di na ko bata (huhuhu) kaya panahon na para sa isang mas 'dalagang' blog title. Wag mangamba, magpopost pa rin ako ng makukulay na bagay dito! Ako pa rin si rainbowkid, mas malawak lang imagination ko ngayon. Mwehehe.

2. Fifi's fieldtrip

Mula nung nabili ko si Fifi the Fuji, sa office, sa Cubao, at sa bahay ko pa lang sya nagamit. Buti pa ang kapatid ko, nadala na sya sa EK. Kaya para di sya magdamdam, dinala ko sya sa Bicol! Ang saya saya naming dalawa! Ang dami nyang nakitang masaya! Tignan ang mga tagpo sa baba.

Huhuhu. Ang ganda ganda! Sabi na nga ba't never kong pagsisisihan na binili kita, Fifi! <3

3. Momon, my labth! 

Si Momon ang favorite pinsan ko dahil ako rin ang favorite pinsan nya! Lagi nya kong hinahanap pag wala ako at lagi syang masaya pag nakikita nya ko. :) Nahulog sya hagdan at nasugatan kasi tinawag nya ko sa taas para kumain kasi ako na lang ang wala sa kainan. Awww. 




4. Mga kaibigang handa akong batukan at paluhain konti

Eto talaga ang ultimate! Mga kaibigan na di magsusugarcoat pag kailangan nang maging real meanings ang imagined meanings. Sila yung handang sabihin sayo yung mga bagay na alam mo na naman, dinedeny mo lang. Salamat Jhe, Ryo, at Fiona! Mwah mwah tsup tsup!

5. Marunong nang mag let go pag dapat na mag let go aka maturity

Eto ata ang biggest accomplishment ko, love-wise.Yung alam na pag wala na, yung di na nagbabargain at nagdadahilan. Yung umaamin na para matapos na. Kung nabasa mo man o hindi, di ko malalaman, pero ipagpalagay na lang natin na nabasa mo at binalewala mo pa rin. Ika nga sa CSI, not making a decision is a decision at dahil dyan, thank you dahil nakapagdesisyon na din ako.

At dahil bitter pa rin ako (HAHA):

Pero seryoso, sorry na nagulo buhay mo dahil sa kin. Magback to regular programming na tayo at umasta na lang na walang nangyari. Ideal yun para sa ting dalawa. :)


There you go, guyebenow! :D

Sunday, January 20, 2013

Instax Attraction

Happy new year! :D

Sasagot sana ako ng yearender survey bilang pagtatapos ng 2012 ko, pero dahil patapos na ang January, masyado na atang late para balikan pa ang mga bagay bagay na naganap last year, ehem ehem. 

Weird ang naging start ng taon ko dahil mixed as in mixed emotions ang sumalubong sa 2013 ko. Saya dahil nanalo ako ng 6K sa unang araw ng taon (swerte sa pera, ibig bang sabihin malas ulit sa pag-ibig? huhuhu.), tapos magkahalong lungkot at frustration dahil sa, am, love. Dahil alam naman nating lahat na kambal sa uma kami ng kasawian at ka-loser-an sa pag-ibig, pero moving on, may Instax camera na ko! O diba, nag move on nga talaga! :P Ladies and gentlemen, meet Fifi the Fuji!

Hi Fifi, my bibi! :D

Matagal ko nang pinaglalawayan ang Fuji Instax pero ang mahal kasi e! Kaya nang mapadaan kami ng Wirdos sa Picture City kagabi, tapos P2,950 na lang si Fifi, I knew we were meant to be! Alam mo yung "I Knew I Loved You" ng Savage Garden? Theme song namin ni Fifi yun! Kahit pilit na humadlang ang ATM ko, di namin napigilan ni Fifi ang bugso ng aming mga damdamin! Ang ganda ganda ni Fifi! Di ako nagsisisi at magsisisi na binili ko sya! Or magsisisi din siguro ako pag wala na kong pera at nakatingin lang si Fifi sa kin, pero matagal pa yun!

At syempre, dahil excited ako, nag-ambenchur kagad kami ni Fifi kagabi! Welcome na welcome sya ng lahat-ng friends, Facebook friends, at ng pamilya ko! Please see pictures below para makita ang namumuong pagmamahalan namin ni Fifi!

Welcome na welcome si Fifi sa Wirdos!


Nagmerienda na rin kami kasama ng mga kapatid ko!

First family picture with Fifi!

First "mapanlinlang-chicks-kunwari" picture with Fifi!


Fifi! Excited na excited na ko sa mga ambenchurs natin! Isasama na kita kahit san! Kahit alam kong marami tayong paghihirap (mahal kasi ng film mo e, huhuhu.) na pagsasamahan, poreber akong magiging masaya na magkasama tayo at na ang mura kitang nabili. Hehe. 


P.S. Ansabe ng bagong thread na kilay ko?! :P

Tuesday, July 3, 2012

Last But Not The List: Limang Masasayang Tagpo sa Tag-ulan

Dahil consistent ever, inconsistent (the) never ako, jeren! A very pun-y title! Eto na ang bagong pauso ko simula ngayon, ang "Last But Not The List". Basically, list lang to ng mga top wateber ng wateber na gusto ko. 


At dahil first time in a long while na nakauwi ako nang maaga, naisip kong magblog naman at medyo nashock ako na nag new look na pala ang Blogger! Tulad na lang ng pagkashock ko at malamang, mo, na may blog pa pala ako. At dahil nagveeveer away na naman ako sa theme ng post na to:


Limang Masasayang Tagpo sa Tag-ulan


1. Kumikitang kabuhayan na ulit ako!




Kung kelan malapit ko nang sukuan ang mga bagay bagay, tsaka naman ako sinurprise ng buhay. At walang bahid ng pambobola, ang saya ko! Di lang dahil tuloy tuloy na naman ang daloy ng pera, kundi dahil masaya talaga ko. Alam mo yung kahit stressful at gusto ko na lang magbreathing excercises araw araw, at the end of the day, fulfilled ako na may nacontribute ako sa kumpanya. Ngayon lang ako naka experience ng positive feeling sa buhay trabahador, ang saya. :)


2. May nakasakay akong Manong Taho sa jeep


Alam naman nating lahat na next sa tapsilog at sa pizza, may undeniable chemistry kami ng kama ko. Lalo pang nag-iigting ang chemistry na to kapag umuulan at masarap magpagulong gulong lang sa kama, parang ngayon. Pero dahil no choice ako at wala na ko sa school, kailangang pumasok. Sumaya naman kagad umaga ko kasi may nakasakay akong Manong Taho sa jeep! Homaygad! Di ko talaga napigilang magtanong ng, "Hi Kuya, pwede pong bumili ng taho?" at syempre, sino ba naman siya para tumanggi (am, siya si Manong Taho. weh waley). At dahil dun, nakalimutan ko na maulan, na mas masarap kapiling ang kama ko kesa ang PC ko sa office.


3. Binicol ako ni Manong kanina at nakasagot ako in Bicol


Sorry talaga Manong na di ko alam pangalan mo, pero pinasaya mo talaga ko! Kinilig ako na Binicol ako tapos naintindihan ko tapos nakasagot ako in Bicol!


Manong Bicolano: "Ma mirindal kamo?" (Magmemeryenda kayo?)
Angge: "Iyo po." (Opo) *sabay tumbling at ngiti nang malaking malaki*


4. Altec Lansing Octiv Mini Ipod Dock, bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko?








HOMAYGAD. Kung sinusubaybayan mo blog ko, malalaman mo na life-long (OA, I know) dream ko talaga ang magka Ipod dock. Pero dahil sadyang mailap ang pera nung mga nakalipas na buwan, akala ko dream na lang talaga siya. Ngunit ngayoooon, hey, may dock na ko! Ang ganda ganda ng sound! Kahit kalahati ng pinagpuyatan kong sweldo, napunta dito, okay lang! Huhuhu. 


5. Bagong pampakilig sa buhay


Hihihi brrr. Secret muna to, mahirap nang maunahan ng kasawian. At sabi ko nga sa Fezbuk, iwas sawi. Pero hihihi, kinikilig me. :3


There you go, kulugow! At, you're welcome para sa bagong post na to! :D

Wednesday, April 18, 2012

Some Constellation

Para sa mga sawi, in love, friendzoned, at everything in between. 






"Some Constellation"
Someone Still Loves You Boris Yeltsin

Birds on her pillow 
And paper lanterns hangin’ from the ceiling 
Sticky stars aglow 
Mappin’ out some constellation 
I’m tired of standing in the light outside her window 
For her I would row to the ends of my imagination. 
  
Pleasure to behold 
A silhouette so real yet oh so static 
Measured and controlled 
Let’s down her hair, takes off her army jacket 
I’m tryin to figure out what’s right—do i stay or go? 
My, for all she doesn’t know… 

It's not right, I'm your sole satellite floating undetected orbiting your somnambulant light
It's not right, you're my lone satellite but I'm only ever near you in the middle of the night


Okay, mga kapatid, sabay sabay nating punasan ang mga nangilid nating luha at tayo'y sumandal sa pader.



Friday, April 13, 2012

Pogi ba hanap mo? MODEL-i lang yan.

"...but somehow when it's real, when it's your life...that person can even feel farther off and more unobtainable than an actual celebrity. Proximity doesn't breed familiarity."- Jubilee Dougal, "The Jubilee Express" ("Let It Snow")

Pagbiyan niyo na ko sa not-so-funny but very pun-y (mwehehe) titles ko. Sa totoo lang, nahirapan talaga akong gawin tong post na to dahil nagmamaramot ako at ayoko i-share ang mga master bakers ko sa inyo. Inyo, meaning Ryo and Fiona, at sa kung sino pang namali ng type sa Google at napapadpad dito. Pero dahil na-inspire ako sa quote above galing sa librong binabasa ko, "Let It Snow" (more on this later), sige na nga. Pero let it be known na AKIN PA RIN ANG MGA MASTER BAKERS NA TO, PWEDENG MAPOGIAN PERO AKIN PA RIN SILA.  Okay, back to regular programming.

Di ko alam kung san nag-ugat ang pagmamahal, or mas akma ata na pagnanasa, ko sa mga model na to. Pero malamang sa malamang, boredom plus Youtube ang may kinalaman dito. Alam niyo naman na maraming ipinakikilalang mundo ang Youtube sa kin, ehem ehem, at isa na dito ang male models! Woohoo! Eto na, with matching videos and pictures pa, ang top wateber master bakers/models na talaga namang nagpapaligaya sa kin. In no particular order para di sila mag-away away para lang sa atensyon ko, haba ng hurr ko e.

1. Matthew Hitt

"Rawr" goes my, um, heart.



Hihihi brrr...


Si Matt talaga ang nagpasimula ng lahat. Hindi ko alam kung pano ako napadpad sa video niya, pero buti na lang napadpad ako sa video niya! Bukod sa mala male version ni Leighton Meester looks niya, isa rin siyang musician (The Drowners), at isang malaking dork. Bilang patunay, dalawin ang mga videos na to: 1, 2, at 3. Sa sobrang pagnanasa ko sa kanya, may folder ako sa desktop ko na ang pangalan ay Tadhana at puro pictures niya andun. Wag kang magkaila, alam kong may ganyang folder ka rin sa desktop mo! At bilang pabaon, eto ang casting video niya para sa remake ng "Edward Scissorhands". Enjoy! 



2. Miles McMillan

Heath Ledger, is that you?


Hihihi brrr...


BOOM!
Miles, Miles, Miles. Haaay. Una ko siyang nadiscover sa magical world also known as the home to everything happy and sparkling also known as Tumblr. Di ko pa siya kilala pero hawig siya kay Heath Ledger at kay Joseph Gordon-Levitt in some angles. Pero dahil magical nga ang Tumblr, jeren! Isa siyang studio art graduate from NYU at isang artist pag di siya busyng maglakad at magpapogi sa runway. I-lilink ko sana dito ang blog niya na puro paintings niya, pero wag na lang kasi nga akin lang siya. For sharing purposes lang talaga tong post na to kaya walang ninjahan, hmkay? May special place siya di lamang sa puso ko, kundi pati na rin sa phone ko dahil may folder ako dun especially for him. Hihihi.

3. Alexander Johansson

You talaga.


Legs pa lang, ulam na.



Si Alexander ang latest discovery ko, dahil ang Youtube talaga ay pseudo Discovery Channel. Ang pogi niya, yun lang, wala nang paligoy ligoy pa. Haha! At nakakatuwa dahil may pagka mama's boy din siya at mahiyain! Yan ang tipo kong lalaki, mahiyaing pogi. Hihihi. At dahil mas masarap siyang lapastanganin in video format, jeren!





4. Robbie Wadge

"Ay, may photoshoot ba? Okay." - Robbie (oo, nagta Tagalog siya with a British accent)


"Ah poker face ba? Akala ko pogi face e." - Robbie

Kung magkakababy sila Leonardo Dicaprio, Alex Band, at Nick Carter, si Robbie ang kalalabasan. Pogi na nga siya, may British accent pa! Win win situation! As always, everything's better in video format, boom!








Yes, you're welcome. Ika nga nila, sharing is caring, pero in this case, sharing is just sharing. Walang ninjahan, blah blah, akin sila,  blah blah, binakuran ko na yan, blah blah.

Saturday, February 11, 2012

Queen of the Pilates*

So nag Pipilates na ko. Sige, tawa ka lang...tawa pa...game na? Halos lahat kasi ng mga kaibigan ko at mga kamag-anak ko na sinabihan ko nyan, kung hindi natawa, nagkaron ng kawawa-ka-naman stare sa mukha nila. 


Five days ago, habang bored at nangstastalk ng mga models sa Twitter, nagka random thought ako na magsisimula na kong mag-exercise. Actually, maraming beses na tong sumagi sa isipan ko pero malakas kasi talaga ang tawag ng kama at ng masasarap na pagkain sa kin. Para bang tuwing naiisip kong maghehealthy living na ko, biglang uulan or biglang kakatok kapatid ko sa kwarto at mag-aaya na magpa deliver kami sa Mcdo. Haay. Pero dahil malayo pa naman ang tag-ulan at dahil nagtitipid kapatid ko, parang uubra na ata ang healthy living mode ko! Nag Google muna ako ng masasayang (aka madadali at di nakakapagod) workout na pwedeng gawin ng mga beginners na may separation anxiety sa kama at pagkain like me. Tatlo yung appealing na workout, namely: The Four Minute Exercise or TFME para maiksi (salamat kay Tita Winnie Cordero of TV Patrol para dito), Yoga, at Pilates.


Tinry ko ang four minute exercise, kasi, the, four minutes lang yun at di nakakapagod! Yan ang sabi ko bago ko simulan yung lecheng four minute na exercise na yan. Basically, 10 counts of jumping jacks, squats, lunges, at sit-ups na uulit ulitin mo hanggang mag four minutes ang TFME, dali lang diba? ENG! (yan yung sound ng buzzer pag mali ka ng sagot sa game show). Pakshet, 3 araw na pananakit ng katawan ang katumbas ng four minutes na yan! At isa pa, hindi ako marunong mag squat, tanungin mo pa ang FPF professor ko na pinagdemo ako ng pagsqusquat sa harap ng buong classmates ko sa PE! Kaya obviously, di kami meant to be ng TFME.


Next ko namang tinry ang yoga, syempre thru Youtube lang dahil binalikan ko na ang a bum's life. Tsaka isa pa, ayoko namang mag-enroll sa isang class na alam kong di ko naman papasukan religiously, parang PI 100 lang (na sa sobrang di ko pagpasok sa subject na to, nakalimutan ko tawag sa kanya at ginoogle ko pa ang equivalent ng Rizal studies sa UP Manila). Dahil marami namang gusto rin maghealthy living at uso ang Yoga, di ako nahirapan makakita ng Yoga videos. Tinignan ko mga Yoga positions, parang kaya ko naman, emphasis on the word 'parang'. After several tries, naconclude ko na tulad ng Math, PE, at ni Ivan (sorry, Valentines e), Yoga and Angge, do not mix.


At this point, ayoko na ulet maghealthy living kasi parang ayaw talaga ng tadhana at ng kama ko at ng masasarap na pagkain na magbagong buhay ako, pero dahil shet, wala na talaga akong magawang masayang gawin, fine, Pilates naman ni-Youtube ko. Nakakita ako ng isang video for beginners na mukhang madali lang gawin. Syempre, alam niyo nang di talaga madali diba, pero dahil wala na kong ibang options, pwede na nga. At huwow, ang saya! As in totoong saya ah, na kahit minumura na ko ng mga mercy at ng likod ko, masaya ako after ng, you know, workout ko. Simple lang kasi yung workout tapos wala masyadong tools na kailangan. Mat, workout clothes, at maraming maraming fighting spirit at will power lang kailangan. Dahil ako si Angge, check na yung third requirement para sa Pilates. At dahil din ako si Angge, wala akong mat at workout clothes, pero dahil resourceful naman ako, jeren!



EXPECTATIONS: Store-bought, actual Yoga mat


REALITY: Store-bought din, actual din, kumot nga lang. (at least medyo hawig sa tunay na Yoga mat yung pattern!)


 EXPECTATIONS: Mamahaling Lycra gym clothes.


REALITY: Mumurahing pambahay/pantulog/everyday wear. At oo, mga polar bear na may Santa hat pattern ng pajama ko, deal with it.

I-congratulate niyo ko dahil 5 days na kong nagpi Pilates nang walang mintis! 30 minute session yung nasa Youtube at masaya yung instructor. Kahit pa halos araw-araw kong minumura sarili ko tuwing nagpi Pilates ako dahil ang sakit sa katawan (lalo ka na leg circles! damn you ka!), nakaka addict pala mag exercise! Yes, my friends, ako to, di ako sinaniban ng kaluluwa ni Jane Fonda. At para ma-inspire kayo at para naman may karamay ako sa pangyuyurak sa sarili ko, eto na ang video link ng Pilates for beginners c/o Cassey Ho ng Blogilates channel. Promise, kung kaya ko to, kaya niyo rin!


Game, para maging "Pilates" of the Carribean na tayo! Corny, I know, deal with it na lang ulet.

*Ang title ng post na ito ay inspired by the 1960 film, "Queen of the Pirates". Oo, pinag-iisipan ko talaga ang mga blog titles ko. Naisip ko nung una, "Pilates" of the Carribean, na di ko ma let go kaya siningit ko pa rin sa entry na to. I thank you, bow.

Saturday, January 28, 2012

50/50

Bilang lang sa daliri yung mga movie na pwede kong i-loop sa utak ko forever and ever. Kasama na dun ang "Up", "Tangled", "Eternal Sunshine of the Spotless Mind", and "Little Miss Sunshine". Obviously, madali lang akong i-satisfy movie wise, pero maygad, tataas na ata ang standards ko after ko mapanood ang "50/50"!


A score of 100% para sa "50/50".


Una kong nakita ung movie poster ng "50/50" sa Tumblr dahil alam naman nating teritoryo ni Joseph Gordon-Levitt ang Tumblr. Di ko siya pinansin kasi wala pa naman akong naririnig na buzz tungkol sa movie na to tsaka mukhang typical cancer movie lang siya. Yun ang akala ko. 


Ang premise basically ay si Adam Lerner (Joseph Gordon-Levitt) ay isang 27 year old radio ads writer na na diagnose na may rare type of cancer na Schwannoma. Buong movie, pinakita ung ordeal niya di lang sa cancer, kundi pati na rin ung overlapping issues niya sa family niya, sa career nya, at sa love life niya. Kasama din ni Adam dito si Kyle (Seth Rogen), ang potty mouth best friend niya since high school. Dito pinakita yung loyalty and love ni Kyle kay Adam sa buong struggle niya with cancer. Kasama din sa cast si Anjelica Houston as Adam's mom, Anna Kendrick as Katie McKay/therapist ni Adam, and Bryce Dallas Howard as Rachael as ex-girlfriend ni Adam. Of all the characters, pinaka effective sila Joseph, Seth, at Anjelica. As in! Sa breakdown scene ni Adam (at in turn, breakdown scene ko din) one day before ng surgery niya, mararamdaman mo talaga yung sakit na 27 lang siya tapos may taning na buhay niya. Huhuhu. Se pelikulang to lang ata talaga ko halos madehydrate na sa kakaiyak.


"50/50" movie screen shots taken from Semipro8 dahil mugto na yung mata ko para magpicture pa.

Isa pang masaya sa movie na to, nagfocus talaga siya sa cancer situation ni Adam, kahit pa may mga issues on the side. Hindi siya naging maganda dahil may love story na nakakakilig, maganda siya kasi honest yung approach sa pelikula. Pinakita talaga kung anong pinagdadaanan ng cancer patients at ng respective families nila. Na di ka naman talaga nag-iisa tulad ng iniisip mo. Sa movie kasi, nagulat si Adam na kahit may pagka douchebag si Kyle, nakita niyang may binabasang book about cancer si Kyle at with matching dog-eared pages pa! Yung mama din niya na feeling niya sinasakal siya sa sobrang pagka overprotective, sumali sa isang cancer support group. Syempre alam niyo na na dito ako nagbawas ng water weight kakaiyak. Haha!

At syempre dahil nasa movie na to si Seth Rogen, laughtrip din siya! Gaano ka laughtrip? As in nilayasan ako ng kapatid ko kasi nadidistract siya sa kakatawa ko. Haha! Pero pramis, pinagaan ni Seth or ng character niya ung bigat ng sitwasyon. Kung wala siya sa movie na to, kinatok na siguro ako ng mga magulang ko dahil sa mga hagulgol ko. 

Sobrang ganda din ng soundtrack ng movieng to! Bawat kanta, swak sa sitwasyon, lalo na ung "High and Dry" ng Radiohead. Makakarelate ka kahit di kasing bigat ng pinagdadaanan ni Adam ang kung ano mang pinagdadaanan mo. Kung kailangan mo ng bagong mga kanta para sa iPod mo, unahin mo soundtrack nito. 

Kailangan ko pa ba talagang bigyan ng rating ang pelikulang to? By the way, based on a true story din siya! Oha oha! According sa IMDB ng "50/50", si James McAvoy (from "Wanted" at "Penelope") ang original choice para sa role ni Adam, pero nagka conflict sa schedule. Buti na lang dahil whoo, ang galing galing ni Joseph dito! Pipila na ko kasama ng mga minions mo! 

Ayon sa mga haka haka aka Facebook friends, di daw ipapalabas "50/50" dito sa Pilipinas, buti na lang kasi parang ayoko naman atang ngumawa at humalakhak simultaneously sa sinehan. 

Overall, A+++ ang "50/50" para sa kin. Palagpasin mo na lahat except to at ang am, "Hunger Games" (magpakita ka na sa kin sa bookstores, please?). Kung di pa rin sapat ang post na to, eto ang trailer ng "50/50". Enjoy!