![]() |
| A score of 100% para sa "50/50". |
Una kong nakita ung movie poster ng "50/50" sa Tumblr dahil alam naman nating teritoryo ni Joseph Gordon-Levitt ang Tumblr. Di ko siya pinansin kasi wala pa naman akong naririnig na buzz tungkol sa movie na to tsaka mukhang typical cancer movie lang siya. Yun ang akala ko.
Ang premise basically ay si Adam Lerner (Joseph Gordon-Levitt) ay isang 27 year old radio ads writer na na diagnose na may rare type of cancer na Schwannoma. Buong movie, pinakita ung ordeal niya di lang sa cancer, kundi pati na rin ung overlapping issues niya sa family niya, sa career nya, at sa love life niya. Kasama din ni Adam dito si Kyle (Seth Rogen), ang potty mouth best friend niya since high school. Dito pinakita yung loyalty and love ni Kyle kay Adam sa buong struggle niya with cancer. Kasama din sa cast si Anjelica Houston as Adam's mom, Anna Kendrick as Katie McKay/therapist ni Adam, and Bryce Dallas Howard as Rachael as ex-girlfriend ni Adam. Of all the characters, pinaka effective sila Joseph, Seth, at Anjelica. As in! Sa breakdown scene ni Adam (at in turn, breakdown scene ko din) one day before ng surgery niya, mararamdaman mo talaga yung sakit na 27 lang siya tapos may taning na buhay niya. Huhuhu. Se pelikulang to lang ata talaga ko halos madehydrate na sa kakaiyak.
| "50/50" movie screen shots taken from Semipro8 dahil mugto na yung mata ko para magpicture pa. Isa pang masaya sa movie na to, nagfocus talaga siya sa cancer situation ni Adam, kahit pa may mga issues on the side. Hindi siya naging maganda dahil may love story na nakakakilig, maganda siya kasi honest yung approach sa pelikula. Pinakita talaga kung anong pinagdadaanan ng cancer patients at ng respective families nila. Na di ka naman talaga nag-iisa tulad ng iniisip mo. Sa movie kasi, nagulat si Adam na kahit may pagka douchebag si Kyle, nakita niyang may binabasang book about cancer si Kyle at with matching dog-eared pages pa! Yung mama din niya na feeling niya sinasakal siya sa sobrang pagka overprotective, sumali sa isang cancer support group. Syempre alam niyo na na dito ako nagbawas ng water weight kakaiyak. Haha! At syempre dahil nasa movie na to si Seth Rogen, laughtrip din siya! Gaano ka laughtrip? As in nilayasan ako ng kapatid ko kasi nadidistract siya sa kakatawa ko. Haha! Pero pramis, pinagaan ni Seth or ng character niya ung bigat ng sitwasyon. Kung wala siya sa movie na to, kinatok na siguro ako ng mga magulang ko dahil sa mga hagulgol ko. Sobrang ganda din ng soundtrack ng movieng to! Bawat kanta, swak sa sitwasyon, lalo na ung "High and Dry" ng Radiohead. Makakarelate ka kahit di kasing bigat ng pinagdadaanan ni Adam ang kung ano mang pinagdadaanan mo. Kung kailangan mo ng bagong mga kanta para sa iPod mo, unahin mo soundtrack nito. Kailangan ko pa ba talagang bigyan ng rating ang pelikulang to? By the way, based on a true story din siya! Oha oha! According sa IMDB ng "50/50", si James McAvoy (from "Wanted" at "Penelope") ang original choice para sa role ni Adam, pero nagka conflict sa schedule. Buti na lang dahil whoo, ang galing galing ni Joseph dito! Pipila na ko kasama ng mga minions mo! Ayon sa mga haka haka aka Facebook friends, di daw ipapalabas "50/50" dito sa Pilipinas, buti na lang kasi parang ayoko naman atang ngumawa at humalakhak simultaneously sa sinehan. Overall, A+++ ang "50/50" para sa kin. Palagpasin mo na lahat except to at ang am, "Hunger Games" (magpakita ka na sa kin sa bookstores, please?). Kung di pa rin sapat ang post na to, eto ang trailer ng "50/50". Enjoy! |

No comments:
Post a Comment