Friday, April 13, 2012

Pogi ba hanap mo? MODEL-i lang yan.

"...but somehow when it's real, when it's your life...that person can even feel farther off and more unobtainable than an actual celebrity. Proximity doesn't breed familiarity."- Jubilee Dougal, "The Jubilee Express" ("Let It Snow")

Pagbiyan niyo na ko sa not-so-funny but very pun-y (mwehehe) titles ko. Sa totoo lang, nahirapan talaga akong gawin tong post na to dahil nagmamaramot ako at ayoko i-share ang mga master bakers ko sa inyo. Inyo, meaning Ryo and Fiona, at sa kung sino pang namali ng type sa Google at napapadpad dito. Pero dahil na-inspire ako sa quote above galing sa librong binabasa ko, "Let It Snow" (more on this later), sige na nga. Pero let it be known na AKIN PA RIN ANG MGA MASTER BAKERS NA TO, PWEDENG MAPOGIAN PERO AKIN PA RIN SILA.  Okay, back to regular programming.

Di ko alam kung san nag-ugat ang pagmamahal, or mas akma ata na pagnanasa, ko sa mga model na to. Pero malamang sa malamang, boredom plus Youtube ang may kinalaman dito. Alam niyo naman na maraming ipinakikilalang mundo ang Youtube sa kin, ehem ehem, at isa na dito ang male models! Woohoo! Eto na, with matching videos and pictures pa, ang top wateber master bakers/models na talaga namang nagpapaligaya sa kin. In no particular order para di sila mag-away away para lang sa atensyon ko, haba ng hurr ko e.

1. Matthew Hitt

"Rawr" goes my, um, heart.



Hihihi brrr...


Si Matt talaga ang nagpasimula ng lahat. Hindi ko alam kung pano ako napadpad sa video niya, pero buti na lang napadpad ako sa video niya! Bukod sa mala male version ni Leighton Meester looks niya, isa rin siyang musician (The Drowners), at isang malaking dork. Bilang patunay, dalawin ang mga videos na to: 1, 2, at 3. Sa sobrang pagnanasa ko sa kanya, may folder ako sa desktop ko na ang pangalan ay Tadhana at puro pictures niya andun. Wag kang magkaila, alam kong may ganyang folder ka rin sa desktop mo! At bilang pabaon, eto ang casting video niya para sa remake ng "Edward Scissorhands". Enjoy! 



2. Miles McMillan

Heath Ledger, is that you?


Hihihi brrr...


BOOM!
Miles, Miles, Miles. Haaay. Una ko siyang nadiscover sa magical world also known as the home to everything happy and sparkling also known as Tumblr. Di ko pa siya kilala pero hawig siya kay Heath Ledger at kay Joseph Gordon-Levitt in some angles. Pero dahil magical nga ang Tumblr, jeren! Isa siyang studio art graduate from NYU at isang artist pag di siya busyng maglakad at magpapogi sa runway. I-lilink ko sana dito ang blog niya na puro paintings niya, pero wag na lang kasi nga akin lang siya. For sharing purposes lang talaga tong post na to kaya walang ninjahan, hmkay? May special place siya di lamang sa puso ko, kundi pati na rin sa phone ko dahil may folder ako dun especially for him. Hihihi.

3. Alexander Johansson

You talaga.


Legs pa lang, ulam na.



Si Alexander ang latest discovery ko, dahil ang Youtube talaga ay pseudo Discovery Channel. Ang pogi niya, yun lang, wala nang paligoy ligoy pa. Haha! At nakakatuwa dahil may pagka mama's boy din siya at mahiyain! Yan ang tipo kong lalaki, mahiyaing pogi. Hihihi. At dahil mas masarap siyang lapastanganin in video format, jeren!





4. Robbie Wadge

"Ay, may photoshoot ba? Okay." - Robbie (oo, nagta Tagalog siya with a British accent)


"Ah poker face ba? Akala ko pogi face e." - Robbie

Kung magkakababy sila Leonardo Dicaprio, Alex Band, at Nick Carter, si Robbie ang kalalabasan. Pogi na nga siya, may British accent pa! Win win situation! As always, everything's better in video format, boom!








Yes, you're welcome. Ika nga nila, sharing is caring, pero in this case, sharing is just sharing. Walang ninjahan, blah blah, akin sila,  blah blah, binakuran ko na yan, blah blah.

4 comments:

  1. Parang maaaraw-araw ko ang post na to ah. Hahaha. At talagang special mention pa kami ni Fiona--lalo na sa paulit-ulit mong pagsabing strictly for sharing purposes lang to. Anyway. O sige na, share lang. Meaning, hanggang tingin lang talaga ko. At tama ka, Alexander nga. :)))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha! Sinasabi ko na nga ba e! Willing naman ako magshare e, pero hanggang dun na lang talaga un. Akin kasi talaga sila. :P

      Delete
  2. Isang Robbie Wadge, please. Yung mainit-init pa. Paki lagay na lang po sa paper bag at bibili lang ako ng mantikilya sa kabilang tindahan. HAHAHAHAHA

    ReplyDelete
  3. Okay po, Ma'am. Gusto nyo po mag-avail ng suki card namin? Suki as in susuklian-ko-ng-walang-hanggang-pagmamahal-ang-kapogian-mo-hihihi card. :P

    ReplyDelete