Sasagot sana ako ng yearender survey bilang pagtatapos ng 2012 ko, pero dahil patapos na ang January, masyado na atang late para balikan pa ang mga bagay bagay na naganap last year, ehem ehem.
Weird ang naging start ng taon ko dahil mixed as in mixed emotions ang sumalubong sa 2013 ko. Saya dahil nanalo ako ng 6K sa unang araw ng taon (swerte sa pera, ibig bang sabihin malas ulit sa pag-ibig? huhuhu.), tapos magkahalong lungkot at frustration dahil sa, am, love. Dahil alam naman nating lahat na kambal sa uma kami ng kasawian at ka-loser-an sa pag-ibig, pero moving on, may Instax camera na ko! O diba, nag move on nga talaga! :P Ladies and gentlemen, meet Fifi the Fuji!
Hi Fifi, my bibi! :D
Matagal ko nang pinaglalawayan ang Fuji Instax pero ang mahal kasi e! Kaya nang mapadaan kami ng Wirdos sa Picture City kagabi, tapos P2,950 na lang si Fifi, I knew we were meant to be! Alam mo yung "I Knew I Loved You" ng Savage Garden? Theme song namin ni Fifi yun! Kahit pilit na humadlang ang ATM ko, di namin napigilan ni Fifi ang bugso ng aming mga damdamin! Ang ganda ganda ni Fifi! Di ako nagsisisi at magsisisi na binili ko sya! Or magsisisi din siguro ako pag wala na kong pera at nakatingin lang si Fifi sa kin, pero matagal pa yun!At syempre, dahil excited ako, nag-ambenchur kagad kami ni Fifi kagabi! Welcome na welcome sya ng lahat-ng friends, Facebook friends, at ng pamilya ko! Please see pictures below para makita ang namumuong pagmamahalan namin ni Fifi!
Welcome na welcome si Fifi sa Wirdos!
Nagmerienda na rin kami kasama ng mga kapatid ko!
First family picture with Fifi!
First "mapanlinlang-chicks-kunwari" picture with Fifi!
Fifi! Excited na excited na ko sa mga ambenchurs natin! Isasama na kita kahit san! Kahit alam kong marami tayong paghihirap (mahal kasi ng film mo e, huhuhu.) na pagsasamahan, poreber akong magiging masaya na magkasama tayo at na ang mura kitang nabili. Hehe.
P.S. Ansabe ng bagong thread na kilay ko?! :P





No comments:
Post a Comment