Friday, July 15, 2011

Day 2- Your crush, here we go!


Dear Ivan,

Akala mo lang wala, pero meron, meron, meron pa ring nangstastalk sayo! Salamat naman dahil di na naka private Twitter mo dahil ayoko namang gumawa pa ng bogus account para lang sayo. Ano ako, stalker mo?

Anyway, hindi ata kaya ng isang letter lang ang mga gusto kong sabihin sayo. Una sa lahat, dahil 4 na taon din kitang ninamnam sa malayuan, at pangalawa, dahil nakakatamad. Gusto ko lang malaman mo na ikaw ang dahilan kung bakit gusto kong maging mas sa kahit saang aspeto, kasi feeling ko, hindi bagay sayo ung basta basta lang, kasi ang bagay sayo, ako! Haha! May fans club na nga tayo e! Pero parang mabibigo ata sila dahil hindi magkakatuluyan sa huli ang mga "idol" nila. Naiiyak ka na ba? Kasi ako, oo.

Masaya ako dahil kung Twitter ang pagbabasehan, najujuggle mo naman nang maayos ang pagiging mabuting anak, responsible na kuya, at ang pagiging GC ever mo. Alam kong mahirap ang med school, pero wag kang mag-alala, mamahalin pa rin kita kahit di ka maging doktor. Pramis, okay lang sa kin. Pero dahil pangarap mo talagang maging doktor, suportahan taka. Tulad na lang ng pagtili ko nung makita ko ang pangalan mo sa NMAT results. Mas naging masaya ako dahil effortless na ang stalking sayo. Feel na feel ko kasi ang mga tweets mo. Haha! Feeling ko nakilala ko ung Ivan na hindi ko crush, nakilala ko ung Ivan bilang isang normal na tao. Lalo ko tuloy narealize na napakaganda talaga ng taste ko dahil ikaw ang nagustuhan ko, Irog Burog! Haha!

Gusto ko ring magsorry sa mga what-the-fuck moments na binigay ko sayo. Sa pagkahuli mo sa king nakasilip sa kotse mo, sa pagkakarinig mo ng mga pangalan mo sa mga random na tao, sa paglilibrary ko para makita ka, sa biglaang pagiging shy type ko pag andyan ka, at sa pagrerestrict sa mga galaw mo. Pero malamang sa malamang, di mo naman napansin yang mga moments na yan. Sure din ako na wala lang yan sayo, pero gusto ko pa ring magsorry.

Salamat sa pagsisilbing motivation sa akin at sa mga tooot na karibal ko sayo. Sana matagpuan mo na rin ang takip mo, dahil alam kong sawiin ka rin by nature. Haha! Gusto ko ring magpasalamat kila Mama at Papa Bur (the original) dahil pinalaki ka nila nang maayos. Alam kong proud na proud sila sayo dahil kahit malayo sila, naging mabuti kang bata. Alam ko ring nagpapasalamat ang mga kapatid mo na ikaw ang kuya nila.

Kinaya ko ang UP dahil sayo kaya kayanin mo rin ang UP Med para sakin. Give and take ba. Wag mong biguin ang mga taong nagchecheer sayo para makaya mo yan. At bilang pabida ako, ako ang cheerleader, with matching pompoms pa! Di ko na sasabihin ang alam-mo-na, dahil alam mo na yan, itinatanggi mo lang. At with pride sasabihin kong wala na sigurong makakahigit pa sa dedication at stalking skills na iginugol ko sayo. Not complaining, merely relating. :P

Salamat Ivan! Alam mo na. Haha! :)

PS: Sure ka bang di ako ang takip mo? Hihihi brrr.

Your biggest fan,

Lady Gaga, I mean, Angge

Sunday, July 10, 2011

Eto na ang patunay na seryoso na talaga ko sa pagbabalik ko, 2 posts in one hour! Dahil na-stalk ko na din ang blogs ni Loser at Nye nye, excited na kong gawin ang 30-day Letter Challenge! At eto na ang day one ko.

Day 1- Your Best Friend

Dear Loser,

Suplays! Kahit pa parang obvious na naman na ikaw ang ilalagay ko dito, sana na-surprise ka pa din. Actually, marami naman akong pwedeng ilagay dito dahil friendly naman ako, pero dahil ikaw ung consistently nandyan in the past 9 years (!), sige, you already! Haha!

Una tayong nagkita nung first year highschool tayo sa Tipol. Shy type ka pa nun, ngunit ngaun, hey! Kinanta mo no? Haha! Tahimik ka lang tipong masarap ihulog sa hagdan (na nangyari talaga sayo, we'll get to that) tapos hindi naman talaga tayo ung close sa grupo. Pero dahil nasense ata ni Lord na kelangan mo talagang ilabas ang tunay na walanghiyang sarili mo, binigay nya ko sayo para i-assist ka sa bagay na un. At di nagtagal, lumabas nga! With matching orange na laway pa! Haha! Pero seryoso na, hindi ko maimagine ang buhay ko na di kita best friend. Parang ang boring. Wala akong matetext pag may random kalokohan akong naiisip at pag may mga random kalungkutang dumadalaw sa kin. Ikaw kasi talaga ang una kong naiisip pag may mga ganito dahil alam ko magegets mo ko at walang judgement. At dahil dyan, naging si Angge ako na kilala nila ngaun, aktibo sa social networking sites. Haha! Pero seryoso, kung walang loser na kasama ko mula nung first year pa tayo, wala ring Angge ngaun. Alam kong naiiyak ka na, pero dadagdagan ko pa yan. Haha!

Gusto ko ring mag sorry kung may mga times na naneglect kita o di nabigyang pansin, bilang papansin ka kasi. Haha! Gusto ko ring malaman mo na kahit anong mangyari, as in kahit ano, andito lang ako at ang family ko na handang umalalay sa lahat ng aspeto (pwera financially, haha!) Sana tumagal pa ang kung ano mang meron tayo ngaun dahil naeexcite na ko sa future nating dalawa (ps, no tibuan)! Naeexcite na ko sa mga kagaguhang pagtatawanan natin at mga kalokohang gagawin natin! Alam ko namang di ka mawawala (except pag nadapa ka bigla) sa tabi ko e, dahil tayo lang ang nakakaintindi sa isa't isa, at sana ganito tayo forever!

I love you, Loser! Damhin mo na to dahil di ko na to ulet sasabihin in public. Haha! :D

PS Haba na ng listahan natin, teh! 9 years and counting na. Nasan na ba mga takip natin? :P
Dahil na inggit naman ako sa mga kaibigan ko na active ever pa rin sa blog at Formspring, jeren! At isa pa, pinramis ko din kasi na aayusin ko na talaga, kahit pa 5 months delayed ata tong post na to. Haha! Anyway, hello hello, hey ho, let's go!

Gusto ko lang ipagmayabang na finally, natagpuan ko na ang the one ko! Unfortunately, hindi sya tao, sya ay isang kumpanya. May trabaho na me! Nagbalik ako sa Soupstar dahil doon, hindi isang malaking TOR ang tingin nila sayo at hindi ka nila huhusgahan based sa naging buhay mo nung college ka (oo, L*******i, ikaw to!). Masaya ako dahil parang walang nagbago nung nag start ako. Syempre, mas mabigat na ung responsibilities pero all in all, swak at masaya pa din. At isa pa, mas stalkable na si Mongers ngaun. Nyar.

Medyo weird din ako lately dahil bukod sa pagbabalik Soupstar ko, parang may isa pang bumalik (no thanks to you, Google). So ang supposedly send-off post ko para sa kanya ay magiging continuation lang pala. Kumbaga sa teleserye, nasa book 2 na us. Nakakaiyak. At tulad nang dati, pinaiyak mo na naman ako. Dahil na rin siguro sa frustrations sa mga bagay bagay na nangyari sana pero hindi, kaya back to square one na naman. Wag kang mag-alala, online-based na lang ang ako at ikaw dahil di naman na tayo magkikita ulet (awww). Or malay mo, gawan ko yan ng paraan. Haha!

That's it, pansit. Hello, anggeholic. Namiss ko you.

Sunday, January 2, 2011

Happy new year sa lahat! Dahil nga nangako ako na aayusin ko na talaga to, at dahil napansin ko na third time ko na palang sinabi sa entries ko na aayusin ko na talaga, eto na ang post ko. Parang may bahid nang galit at pagkapilit. Haha!

Matagal ko nang pangarap na gumawa ng reviews ng kahit ano- books, movies, make-up, drama, albums kasi feel na feel ko talaga ang pagbabasa sa mga blog na may make-up reviews. Una, dahil parang mas may personal touch at honesty pag galing sa blog ung review at di galing sa official website nung bagay na un, at pangalawa dahil napaka indecisive ko at kelangan ko palagi ng second opinion. Haha! At dahil new year naman, ipapauso ko na ang reviews sa blog ko, jeren! First up ay ang "L.A. Candy" series ni Lauren Conrad. Matagal tagal ko ding binalik balikan tong librong to sa bookstore, tipong pasimple pa kong may bibilihin pero titignan ko lang talaga siya. Tamang ninja lang, until finally, sumuko na ko at tinikman (bleh yaks x 1 billion times) ko na ang "L.A. Candy."

Yan lang ang "L.A. Candy" book ko, e-books na ang "Sweet Little Lies" tsaka "Sugar & Spice." Kurips committee, represent!

Title na title pa lang, chick lit na, meaning light read at swak siyang pampatulog. Ang story ay basically tungkol kay Jane Roberts na kakalipat lang sa L.A. (Los Angeles, hindi Lower Antipolo) kasama ang best friend niya na si Scarlett Harp. Of the two, mas opinionated si Scarlett, at may pagka naive naman si Jane. Si Jane ay isang intern sa isang events company, si Scar naman ay incoming freshman sa USC. Nung una, typical problems lang meron sila, tipong adjustments, family, school, work, lovelife, pero nung mapili sila para sa isang reality show na ang title ay "L.A. Candy" (weh, di nga?), mas naging complicated pa lahat kasi may 24/7 cameras silang kasa-kasama, paparazzi, at mga chismis. Kasama rin nila sa show si Madison Parker aka the socialite with a dark secret (kili-kili o singit?), tsaka si Gaby Garcia, wallflower na hindi masyadong biniyayaan ng katalinuhan.

Kung writing style ung pag-uusapan, wag kang mag expect ng ang-lalim-asan-na-dictionary-ko-shet words, kasi wala talaga. Marami ring name-dropping ng brands at may mga characters na nag-eexist talaga sa Hollywood. May pagka personal ung attack, since nasa reality show din dati si Lauren (uy, close.). Actually, feeling ko ung mga nangyari kay Jane, naexperience din nya tapos tinweak na lang para di halata pero nahalata pa rin. Pati ung characters, parang based talaga sa totoong buhay e. Di ko nasundan ung "The Hills" kasi, am, walang reason, di ko lang talaga nasundan. Haha! Pero nakakatuwa kasi parang inside peek siya sa buhay ng mga bida sa reality shows. Nakakakilig din ung love lines, lalo na ung kay Liam at Scarlett. Si Jane kasi ay nagcocollect and select e. Haha! Overall, nagustuhan ko naman ang "L.A. Candy", so much so na ginoogle ko pa siya. Haha! Fangirl. Apparently, may movie in the making na to, tsaka may upcoming series pa na magfofocus kay Madison. Hmmm, interesting.

Overall, bibigyan ko ang "L.A. Candy" series ng 3.5 out of 5. Kasi, as a chick lit book, na achieve niya naman ung pagiging light read at pagiging aliw nung story. Pero dahil parang naging autobiography siya ni Lauren Conrad, nawala ung originality niya.

Yehey! Natupad ko na ang isa sa mga pangarap ko! Next time, make-up review naman. Feelingera. Haha!

Wednesday, December 29, 2010

Kung katulad ka ni Ryo (ayikee, special mention.) na nagulat dahil biglang naiba ang layout ko, hindi un dahil gusto ko talaga siyang palitan, nadelete ko kasi ung template ko. Malay ko bang di na pala nareretrieve ang mga template sa Blogger ngaun. Haha! Eyniwey, pwede na to, tsaka na ang malalanding layout pag sinipag na ko.

Actually, balak ko na sanang iwan tong blog na to dahil gusto ko nang i-reveal ang tunay na sosyal at inglisyerang pagkatao ko (bleh yaks), pero dahil ayoko nang magcheck pa ng grammar at mga punctuation marks, jeren! Isa pa, may mga Tagalog words kaya na walang English counterparts. Haha! Naisip ko lang kasi na baka pumurol na ang writing skills, at basically, lahat ng skills na kailangan ng utak. Medyo matagal na rin kasi akong, you know, bakasyonista. Haha! Napaparanoid na ko kaya sinisimulan ko na ang pagtatayo ng mini library sa kwarto, nag cCSI marathon na ko para sa analysis skills, tumitingin ng mga mabibili sa international sites para magcoconvert convert pa ko para naman may matira pa sa Math skills ko.

Dahil nakakasawa din naman gumawa ng wala at mag Internet forever, nanonood din ako ng TV. Kainis, buhay baboy lang talaga mga aktibidades ko e. Haha! Eyniwey, adik na adik ako ngaun sa mga paranormal shows, at kung kilala mo ko talaga, alam mong nagpapanggap na matapang lang ako. Ang favorite ko ngaun ay ung Destination Truth. Nung una, by circumstance na napapanood ko to kasi saktong sa oras ng paggising ko siya pinapapalabas. Masaya ung show kasi bukod sa mga katatakutan, puro kalokohan at katatawanan din siya. Para ka na ring nanood ng travel show kasi nagwoworld tour sila para maghanap ng multo multo, monster monster, wateber. Di ako masyadong natatakot (operative word: masyadong) kasi mga EVP at orbs at mists wateber lang naman nakikita nila. Pero naduwag talaga ko sa Island of the Dolls, Haunted Forest, tsaka sa Haboro episode. Tipong pinapause pause ko muna para mag Google kunwari. Haha! Ang belated Christmas wish ko lang, sana ipalabas pa ung season 4 dahil ninja ang AXN Beyond. Huhu.

Shet, bored ako ah, ang haba ng post na to. Haha! Pramis, aayusin ko na talaga! Maglilista na ko ng future blog topics! Haha!

Tuesday, November 2, 2010

May mga tao na ang new year's resolution ay to be a better person, friend, sis/bro, kapitbahay, estudyante, wateber blah blah. Pero dahil ako naman ay mababaw lang, mababaw lang din mga pangarap ko sa buhay, kaya naman isa sa, am, 5 kong resolutions ay ang manood ng sine sa sinehan. Sineng may bayad, in short. Haha!

Ngaung taong to, masaya naman ako dahil napapanood ko naman halos lahat ng mga movies na inaabangan ko. Halos dahil di ko napanood ang "Shutter Island," "Eat, pray, love" at "The Lovely Bones, huhu. Eyniwey, isa pa sa mga nakakapagpasaya sa kin ngaun ay ang pagsisine ng mag isa. By choice at by circumstance to dahil una, mas nakakafocus ako sa mga sineng pinapanood ko at pangalawa, dahil forever alone ako. Haha! Lalo na't mga trabahador na karkada ko, wala na kong mayaya. Aww (weh.). Medyo fail ung first time ko dahil naihi ako 30 mins before the ending. Kung tutuusin, okay lang naman e, pero dahil "Inception" ung pinapanood ko nun, hindi naging okay leche. Winikipedia ko na lang tuloy ang ending. Haha! Ung second time naman ay Wall Street na medyo mabagal ang pacing pero may homaygad moments naman. At ang third time ay kanina, "The Social Network!" Ahhh.

Ang "The Social Network" ay tungkol sa founder ng Facebook na si Mark Zuckerberg at ang mga kalokohan at katalinuhan nya sa ehem, Harvard. Ang saya dahil maganda ung pagkakasulat ng script, swak ung mga hirit, ung mga actors, ung setting. Bow ako sa writer at directors dahil napaka witty ng mga lines at believable ung attack sa mga scenes. Huwow talaga! Nakaka inspire din sya kasi ang babata ng mga characters, mga college student lang pero huwow na mag-isip! Convincing din ung actor na gumanap kay Mark (close kayo, teh?), parang Michael Cera na Shia Labeouf ung dating. At si Justin Timberlake! Bagay na bagay na matalinong gago! Haha! Pogi din si Eduardo Savern, pero nakakaawa ung nangyari sa kanya. Spoiler alert. Basta, kung gusto nyo ng intellectual na movie, panoorin nyo to! A+!

May mga nakaline-up na movies na din akong gustong panoorin, kaya naman please Lord, trabaho po! Haha! Eto ung so far, parang masaya panoorin:

1. "Easy A"
- two words: Emma Stone! Naging peyborit ko sya dahil sa "The House Bunny" at "The Rocker." Medyo chick flick-ish ata sya, pero ayos lang, mukha namang nakakatawa ang trailer.

2. "The Roommate"
- film debut ata to ni GG Blair as the Leighton Meester, dahil may "Fastfood Nation" na ata sya dati. Suspense thriller na tungkol sa, well, roommate. The.

3. "The Black Swan"
- Natalie Portman! Tungkol sa dark secret ng theater and ballet. Ballet na pinangarap kong gawin dati. Moving on. Haha!

4. "How Did You Know?"
- not to be confused with "How Did You Know?" ni Gary V., romcom starring Reese Witherspoon and Paul Rudd.

May semi problema nga ako dahil mukhang maganda din ung "You Again" ni Kristen Bell na ipapalabas bukas. Huhu. Sana umulan ng pera shet. Oo na, feeling movie buff naman ako ngaun. Kinilig ka ba dahil may bagong entry na naman me? You talaga. Haha!


Thursday, October 14, 2010

akala mo wala na, pero meron, meron! haha! hello ebribadi! i'm back! haha!

dahil mas marami na kong panahon para mag blog (ehem, ehem) at dahil di na kaya ng mga unan ko ang mga luha ko (weh), jeren! ready, set, go! una sa lahat, employed na ko! itago na lang natin sya sa pangalang, am, free my cat. haha! okay naman, events sya so expected na na medyo matagal tagal akong mahihiwalay sa kama ko, na may mga gabi na di ako uuwi, na mapapaninjang out of town ako. okay, di ko talaga inexpect un. haha! eyniwey. pangalawa, unemployed na ko. huhu. parang isang linggong pag-ibig lang, pero umabot naman ako ng isang buwan. kung bakit ako umalis? kulitin mo muna ako, o kaya iPM mo ko sa YM or sa fezbuk. pangatlo, pero dapat pag una talaga, grumaduate na ko! yehey! at ehem, UP graduate pa! napaka ironic na nung highschool, UP grad tawag nila sa kin dahil alam nilang di ako makakapasa ng UPCAT. well, well, well. haha! nalagpasan ko ang pila eber na enrollment, mga walang kamatayang 'extra challenges,' ang mga balinguynguy inducing exams. yehey ulet! isa isahin na natin ang mga pagbabago sa buhay ko.

employed na ko! ay di na pala!
- pagkatapos ng 4 months kong pamamahinga, nagtagpo din kami ng mga napakailap na trabaho. medyo peer at family pressure pa nga nangyari dahil na stress ako na may trabaho na lahat, kaya na stress na din pamilya ko. haha! pero dahil mahal ako ni Lord, nagkatrabaho din ako! masaya dahil magkakasama kami nila nye nye at ryo. bagong mundo, bagong mga tao, pero enjoy naman. un ang akala ko. haha! tulad nga ng sinabi ko noon, eto na yata ung pinakamaraming beses na umiyak ako sa loob ng isang buwan. as in! tipong naiiyak ako sa office, nagdrdrama sa bus (bleh yaks), ngumangawa sa mga tao sa bahay. kakaiba. tipong pag natatanggap ko sweldo ko, lalo akong naiiyak. haha! alam naman nating lahat na matapang na bata ako, matapang pero iyakin kaya naman goodbye free my cat! sana wag na tayong magkita soon! haha!

graduate na ko! UP grad pa!
- di naman sa nagyayabang, pero kung sinusubaybayan nyo mga posts ko mula nung highschool, alam nyo namang acads + angge don't mix eber eber. kaya naman super laking achievement na UP grad na talaga ko! pero unemployed naman. huhu. eyniwey. hindi ko talaga inisip na aabot ako ng grad. last day of school na ko nag defense, tipong isang araw bago ako magberday, tumithesis pa ko. pero wala, nagtagumpay ang the secret! yehey!

sawi (na naman, as always, poreber and eber) na naman ako
- di ko sinama to sa changes sa buhay ko dahil, well, what's new? haha! naimagine ko na kung anong outcome e. haha! naiyak iyak pa ko dahil akala ko match tayo, na matotolerate mo ang weirdness ko, but, no. magkasama nga tayo, di mo naman ako kinakausap, ang sungit mo pa, menopausal ka ba? eyniwey, salamat kay nye nye, naliwanagan na ko. okay na na di tayo meant to be, meant to be naman kayo e. enjoy! haha!

ang haba na, umabot ka pa dito? haha! pramis! as in mamatay man si, am, coco martin! mag bblog na talaga ko ulet, malakas ka sa kin e. haha!