Saturday, September 13, 2008

at natapos din ang exam! thank You Lord! as for the grade, no comment. haha!

pano ba sasabihin ang hindi pwedeng sabihin? pwede naman actually, pero anong mangyayari pagkatapos? sigurado ka ba na magiging masaya ka sa sagot? magbabago ba ang mga bagay kapag nasabi mo na? at pag di mo nasabi, ano na gagawin mo? maghihintay ka ba na sabihin din niya yung gusto mong sabihin niya? e pano kung wala naman siyang gustong sabihin? pano na? at ang nalilito ay si? hmmmmm

Wednesday, September 10, 2008

i have the funniest and the greatest mom eber eber! at di ko sinasabi dahil lang nasa likod ko siya ngayon at kasalukuyan niya kong kinukulit habang "nagsusuggest" siya ng mga title para sa autobiography ko.

kami kasi yung tipong super open sa isa't isa. pati mga panaginip ko at mga "lovelife" ko, alam niya. kahit feeling ko minsan nag-iinfo overload na sila sa mga kwento ko. haha! ang favorite chika sessions ko ay during breakfast at habang nag-aayos siya bago pumasok sa office. bihira kasi kaming magsabay sabay ng dinner kaya sa breakfast at sunday lunch lang kami bumabawi. tulad kanina, may kinekwento ako tungkol kay, am, toot a.

angge: ma! lalalalalalalala (sorry friends, di pwede sabihin. haha! :P)
mama: o masaya ka na nyan?

at yung kay toot b naman

angge: ma! nakakainis siya! di man lang nagplease tapos sinigawan pa ko. e badtrip na ko kasi binaha na naman ako, tapos sinigawan pa niya ko! e siya na nga humihingi ng favor e!
mama: bakit, gwapo ba yun?! (what?)

ayan. haha! naway may nagets kayo sa super edited conversations namin. pero wala lang, ang saya lang na si mama ang mama ko. ay sus. nangangamoy bagong sapatos. haha! :P

Monday, September 8, 2008

i love betty! tipong mga 2 weeks na kong excited mula nung nalaman kong andun si john lloyd. sa wakas!

magpapakafangirl muna ako friends ah. haha! so far, ferpect ang casting! mula sa lead roles hanggang sa supporting roles. galing! kahit pa nag-aakyat baba ako para sa confe at para sa betty, so sulit! weee.

baha na naman. as in pati sa loob ng tricycle, binaha ako. eew eew eew. bleh.

on the bright side, masaya naman. weeee. :D

Saturday, September 6, 2008

i love lazy days! as in hindi talaga ko nakokonsensya na wala akong ginagawa. at ang araw na to ay isa dun. saya!

ang aga ko nagising para mapanood ko lahat ng pwede kong mapanood, magcatch up ba. wala naman masyadong nagbago at wala rin akong masyadong namiss. yun ang akala ko. so kanina, napadpad ako sa tv5, at saktong lipgloss yung palabas. ang lipgloss daw ang version natin ng gossip girl. set-up na set-up pa lang, GG na! dahil wala naman akong ibang mapanood, pwede na. ang masasabi ko lang, hindi ko na sasabihin. haha! ayos kung sa ayos pero ang weird e. natuwa naman akong i-match ang lipgloss cast sa GG cast, sapat na siguro yun para mag no comment na lang me. haha! at ang favorite line ko?

sam concepcion's character: you have to help me kasi magpartner ang girl of my dreams at ang senior of my nightmare!

watda? haha! isa pang nakakatawang line ang narinig ko habang nagchchannel surfing ako. galing to sa isang movie ni, oh mi, oh my, bong revilla!

bong: pasasabugin ko pati almoranas mo!

haha! shet! muntik akong maihi kakatawa dito. as in seryosong line yan ah. haha! lazy days and lame one-liners make angge a happy happy kid! :D

Friday, September 5, 2008

anuit! sinasabi na nga ba't magaling talaga ang gut feeling ko! wala akong exam bukas! yehey!

e kasi naman, tipong 3 pm na ko nagseryoso sa pag-aaral. iniisip ko na kung sinong mga santo pa pwede kong dasalan para may mangyaring himala, at meron nga! yehey!

lazy day, here i come! :D

Wednesday, September 3, 2008

angge is getting weirder by the minute. meron akong "bagong" favorite song. "bago" dahil halos every week nagbabago yan. haha! so ayun nga, the balld of gus and sam by ferraby lionheart. as in na lss na ko dyan, kaya hinanap ko lyrics. at oh mi, oh my! napaka weird at morbid pala ng "bagong" favorite song ko!



the ballad of gus and sam

i'm an honest guy i've got no reason to lie
you're a superstitious girl you put a spell on the world


the conversations great yeah i can tell
things are moving fast like a bat out of hell
i can lose my step here for you front foot forward to find

your positions good
for making skeleton stew
sh sh she got the numbers in her neck
and now she's reaching for you

the conversations great yeah i can tell
there's a ghost in the room
i'm to scared to yell
i can lose my breath for you front foot forward to find

uh oh oh oh yeah yeah
uh oh oh oh yeah yeah
uh oh oh oh yeah yeah
uh oh oh oh yeah yeah

on a ouija board we were talking to gus
he killed a girl named sam
and now she's coming for us.

the conversations great yeah i can tell
things are moving fast like a bat out of hell
i can lose my stepping for you front foot forward to find

the conversations great yeah i can tell
there's a ghost in the room i'm to scared to yell
i can lose my breath here for you front food forward to find

watda? haha! buti pala hinanap ko lyrics. oh well, gusto ko pa rin siya. bagong shoelaces for my dear chucks! yehey! :D

Tuesday, September 2, 2008

so unti unti ko nang natatanggap na hindi ako nakapunta sa concert ng eheads. oo na, ang babaw, pero dinibdib ko talaga yun. haha! naniniwala ako na may next time pa, the secret lang katapat nito! bengga!

ngayon, thanks to kayla, my friend, masaya na ulet ako! dahil sa kanya, may copy na ko ng after dark! okay, so hiram lang yun, pero kahit na! kung nakita mo lang itsura ko nung binigay ni ja sa kin yung libro, tatawanan mo ko! buti na lang hindi. haha! e pero kelangan ko munang tapusin yung isa pang murakami book para maumpisahan ko na rin yun, at kelangan ko rin palang mag-aral. oh the decisions in life!

on to more serious things (ehem, ehem), may nagbabadyang mangyari at natatakot ako na magkatotoo yun. ang problema sa kin, nasesense ko kagad pag may nangyayari o mangyayari kaya ang tendency, iisipin ko nang iisipin hanggang mapagod na ko kakaisip at magalit na mga kaibigan ko sa kin. haha! pero iba e, never pa kong binigo ng gut feeling na to. bakit kelangan ganun? at di pwedeng magreact dahil, well, hindi pwede. so ang pwede ko lang gawin ngayon ay ang mag-isip hanggang mapagod ako at manalig na wala lang talaga to. mukhang may magpapatugtog na naman ng migraine, at hindi ikaw yun jhe. hmmm..