Monday, November 6, 2006

galing akong peyups kanina at masaya ako.12(!) units lang ako next sem dahil under prob ako.oo,under prob,dahilan na ba yun para magharakiri?siguro sa iba,pero para sa kin hindi.marami na kong binagsak,binabagsak at ibabagsak pa (pero sana wala na)pero di ko sila nakikita na 'failure' para sa kin.hindi ito simpleng pampalubag loob lamang.ginagawa ko kasi yung kaya ko,nagiging 'failure' lang ang mga bagay pag sa umpisa pa lang sinuko mo na.pag pinaglaban mo kahit alam mo na yung resulta,payting spirit yun.ang masakit dun,hindi pa sapat yung binibigay mo.

aminado ako,maraming beses ko nang ginawa yun.nagsisisi ba ko?minsan,pero madalas hindi kasi dun ako natututo.kung lagi na lang perpekto ang lahat para sayo,pano ka lalaban pag hindi na ganun ang sitwasyon?ano nang gagawin mo?iiyak?mali.sa pag-iyak,namamaga lang mata mo at gumagaan loob mo,pero nagbabago ba ang mga bagay bagay?nagiging perpekto ba ulet ang lahat?hindi.gumawa ka ng paraan.kung hindi nadaan sa dati mong ginawa,baguhin mo taktika mo.di natin alam kung epektibo,pero at least gumawa ka ng paraan.hindi yung iniyakan mo lang.kahit maubos luha mo,ganun pa rin naman yung sitwasyon e.nag-effort ka pang umiyak,buti sana kung pareho ka ni idol juday na bayad bawat patak ng luha.eh hindi.

nakakatuwang masaya ako pero madrama post ko.wala lang,blog ko to e.bakit ba? :)

Saturday, November 4, 2006

bonding taym ang wirdos + friendly friend ngayon!as usual masaya,nagsama sama ang mga awardees pagdating sa kalokohan,gaguhan at tawanan e.malamang masaya diba?sayang wala si kurimau,na tulad ng dati e napakahirap hagilapin pero wag kang mag-alala mau,miyembro ka pa rin ng barkada.warning na to ah?tae ka,paramdam ka naman.

mga kagaguhan namin ngayon:
1.tawanan-given na yun eh.pagsama samahin nyo lang kami,kahit saan kahit kelan,magagawan namin ng paraan na tumawa at humalakhak.wirdos + friendly friend e.duh.kaya pag malunkgot ka,sama ka lang sa min,lahat pwede,except lang..
2.lamon taym-given na din yun eh.pag magkakasama kami,di pwede walang kainan.hangga't may kakainin,sugod!
3.takutan-pers atym ata namin gawin to.trip lang,duwag si jhe e,pagtulungan diba?that's what friends are for tsong!
4.at syempre pa,kantahan-pag may kabarkada kang nag center for pop (jhe,ikaw to diba?),papalagpasin mo ba naman ang pagkakataon na pakantahin (at pagtawanan) siya?dehins!

hay naku,sarap talagang kasama ng mga yun.sobra.walang kalungkutan pag magkakasama kami.ang alam lang namin tumawa.kung sa next life,papapiliin ako ng mga kaibigan,walang mababago,wirdos + friendly friend pa din!sigurado yun. :)

Friday, November 3, 2006

nakita nyo na ba yung bagong commercial ng coke?yung parang my animation chuchu?eh yung jingle narinig mo na?kung di pa,eto yung lyrics,gawan mo na lang ng tono kasi di ko alam yung orig na tono e.

ibuhos ang saya hanggang lahat ay mahawa.
buksan ang sarili.wag pigilin ang tawa.
hatakin ang barkada.game kahit saan magpunta.
bagong trip,ba't di subukan?sama ka,'wag magpaiwan!
kilalanin ang kapitbahay.batiin ang kaaway.
'pag nadapa,bangon lang.'pag may tumawa,bow na lang.
kung manalo,eh di masaya.kung matalo,may next time pa.
kung mahal mo,'pakita mo.walang mawawala sayo.
pangarap,'wag bitiwan.malay mo,subok lang.
sama-sama.salu-salo.buhay coke,buksan mo!

ganda diba?ang saya saya.ang buhay kasi,dati nang komplikado yan,dadagdagan mo pa ba?pakasaya ka na lang diba?yeah!

Thursday, November 2, 2006

bagong skin!yey!pasensya na kung mabagal mag-upload,komplikado kasi yung pichur sa taas pero ayos naman yung skin kaya paki antay na lang ha?salamat.naisip ko lang na magpalit ng skin kasi,wala,naisip ko lang talaga.wala pang tagboard,naghahagilap pa ko ng maganda kasi sinasabotahe ako nga tag-board.com.oh well.

pinayagan na ko magshift!yey ulet!kelangan ko na lang ayusin grades ko next sem para mahabol ko yung 2.5 na GWA.padasal na lang ah?salamat ulet.nakakatuwa lang na napakasupportive ng mga magulang ko.alam ko medyo disappointed sila,lalo na si mama,pero kahit ganun,suportado pa rin.tinupad nila yung sinabi nila sa kin na susuportahan nila ako kung san ako masaya.salamat mama at papa!pramis,pagbubutihan ko talaga ang pagiging communista ko.

grabe,ganito pala ang nagsesembreak,bored parati.o siguro ako lang.wala na kong magawa kaya naman inayos ko na lang si blog.baka magkita kita ang wirdos + friendly friend sa sabado.tambay lang,kakaexcite!miss ko na yung mga nilalang na yun eh.

tapos,miss ko na ang totsi.kelangan makita ko na yun,baka makalimutan ko na naman mukha nun.may kachuchuhang kanta pala ako dun.title niya 'the irog song'

the irog song

irog -----,where art thou?
why don't you come out right now?
see angge and make her smile
make her UP days all worthwhile

twinkle twinkle little star tono nyan.kyutipay di ba?

Wednesday, November 1, 2006

survey lang:natutuwa ka ba tuwing nakakatanggap ka ng mga gm(group messages) o send to many na mga messages?

di ba nakakainis lalo na kung ang gm e wala namang magagawang kabuluhan sa buhay mo?tulad na lamang ng pagrereport sayo ng mga bagay na ginagawa nila na kung tutuusin e wala ka namang pakialam dun?kelangan ba talagang ireport na gumising ka na,ang almusal mo pandesal na may palamang itlog,naligo ka na at naghilod ka ngayon?oo,oa to,pero diba?may karapatan kang magtext dahil load mo yan pero sana isipin mo din na may karapatan din ang mga taong sinesendan mo ng mga gm mo na hindi malaman ang mga pang araw araw mong gawain sa buhay mo.sa totoo lang kasi nakakapika na.may mga kyut na gm pero ang mga tulad nito ay sinasayang lamang ang oras ng recipient mo na hindi sana magpopost pero dahil napika,eto.ayos.di ko sinasabing tigilan ang pag ggm pero sana interesante naman para sa sinesendan mo yung gm mo.yung may kinalaman naman sa buhay nila.salamat.

Thursday, October 26, 2006

SEMBREAK NA!!!!!!!!woohoo!yey!paalam math 17!paalam UP!ay wag muna yun,mali mali,baka magkatotoo.sembreak na nga pero bukas babalik pa rin ako ng peyups para mag submit ng paper sa histo.bonus lang yun pero baka makatulong.haay UP,ako'y iyong pinapatay at pinapaligaya.kung minsan ayaw na kitang balikan,pero bumabalik at bumabalik pa rin ako sayo.love-hate relationship ang meron tayo.minsan gusto na kitang isuko pero hindi naman pwede.malabo.magulo.yan tayo.

nabigyang linaw na ang mga bagay bagay at ako'y nakapagdesisyon na,i'm shifting!woohoo!di ko pa to nasasabi sa mga magulang ko pero planado ko na kung anong gagawin ko.di na ko magtatake ng pharm subjects next sem.ay kwit.tama na ang limang buwang pinagsamahan natin.di na ko masaya lalo na ang mga classcards ko.ipipilit ko pa ba?parang si toot,toot at toot yan e,sadyang di pwede.oh well.magshishift na ko sa organizational communications next year.yun naman kasi talaga gusto ko e,ewan ko ba kung bakit nasa pharm ako.ayun.

may sakit ako mula nung monday pa.aktwali,lagi namang meron.naligo kasi ako sa ulanan at hindi yun by choice.ngayon,mala gripo ang ilong ko at happy new year naman tuwing umuubo ako.saya.

nagpunta ako ng tipol kahapon.intrams kasi at muntik nang makumpleto ang maria!saya!grabe.parang higschool ulet.nakakamiss yung mga panahong pwede kang maging gago tapos ok lang.iba na kasi ngayon.ginaya na nila motto namin ni jhe.you gago me,i gago you.ganyan na ngayon.pero masaya dahil pagdating sa kalokohan,si angge inyong maaasahan!yeah!hahahahaha!

Tuesday, October 3, 2006

dos.yan ang grade ko sa pe finals.dos!haha!oo,alam ko, di ganun kataas,pero para sa bowling skills ko,achievement na yan!yey!pasa!muntik kong isuka yung mga tinanghalian ko sa mcdo dahil sa kaba pero lusot naman!yey!kasi,kung matagal mo na kong kilala, e panigurado akong alam mong wala akong ni isang patak ng dugo ng pagka atleta. ang sports para sa akin ay di kasing saya ng pagtulog at paggawa ng wala. at kung sakaling maging sports man yang dalawa,panigurado may gold medal na ko dyan. sabi nila pwedeng pag-aralan, pero di ko talaga hilig kaya pabayaan nang ganun ang mga bagay bagay.at least dos.woohoo!go.napapag-usapan na lang din and sports, congrats sa mga tomasino!mabuhay tayo!nakitayo e no?e alam niyo namang tomasino/maroon ito e.sa maniwala kayo o sa maniwala talaga kayo, iba ang kaligayahan ko kapag nasa uste ako.pramis.dati nga,nung nagliwaliw ako dun,maluha luha talaga ako kasi dapat dun ako e,kaya naman may puwang ang uste sa puso ko.nakampft.straw.wateber.pero totoo yun, pero peyups pa din.labo.at dahil tomasino, pwede na kong sumali sa jtc!i belong!lahat kami, ay sila lang pala (bukod kay pao), ay may majika highlights na!yipee!pula,blonde,brown, tayo'y magsama sama!dahil pula, hoy ikaw,wag ka nang magpupuruntong, distraction e.mahalay.ha?wag na, dadami kakompetensiya, sapat nang may megaphone, ha?tapos..talaga palang di lahat ng bagay tumatagal ano?di ko na idedetalye pero nakakalungkot talaga.sana maayos niyo kahit para man lang sa bata.di ako mangingialam dahil personal na yan, pero sana maayos.sayang e,kawawa din yung bata. kung kay sti yan, naku, magdidiwang ako, pero hindi e, kaya sana,ha?pilitin.madami namang magdadasal para sa inyo.pramis yan.at ikaw,haaay,bakit nga ba?nalalabuan na ba kayo?basta,yun na yun.tuloy mo lang tulad ng dati.1..2..3..yikee!