Tuesday, October 3, 2006
dos.yan ang grade ko sa pe finals.dos!haha!oo,alam ko, di ganun kataas,pero para sa bowling skills ko,achievement na yan!yey!pasa!muntik kong isuka yung mga tinanghalian ko sa mcdo dahil sa kaba pero lusot naman!yey!kasi,kung matagal mo na kong kilala, e panigurado akong alam mong wala akong ni isang patak ng dugo ng pagka atleta. ang sports para sa akin ay di kasing saya ng pagtulog at paggawa ng wala. at kung sakaling maging sports man yang dalawa,panigurado may gold medal na ko dyan. sabi nila pwedeng pag-aralan, pero di ko talaga hilig kaya pabayaan nang ganun ang mga bagay bagay.at least dos.woohoo!go.napapag-usapan na lang din and sports, congrats sa mga tomasino!mabuhay tayo!nakitayo e no?e alam niyo namang tomasino/maroon ito e.sa maniwala kayo o sa maniwala talaga kayo, iba ang kaligayahan ko kapag nasa uste ako.pramis.dati nga,nung nagliwaliw ako dun,maluha luha talaga ako kasi dapat dun ako e,kaya naman may puwang ang uste sa puso ko.nakampft.straw.wateber.pero totoo yun, pero peyups pa din.labo.at dahil tomasino, pwede na kong sumali sa jtc!i belong!lahat kami, ay sila lang pala (bukod kay pao), ay may majika highlights na!yipee!pula,blonde,brown, tayo'y magsama sama!dahil pula, hoy ikaw,wag ka nang magpupuruntong, distraction e.mahalay.ha?wag na, dadami kakompetensiya, sapat nang may megaphone, ha?tapos..talaga palang di lahat ng bagay tumatagal ano?di ko na idedetalye pero nakakalungkot talaga.sana maayos niyo kahit para man lang sa bata.di ako mangingialam dahil personal na yan, pero sana maayos.sayang e,kawawa din yung bata. kung kay sti yan, naku, magdidiwang ako, pero hindi e, kaya sana,ha?pilitin.madami namang magdadasal para sa inyo.pramis yan.at ikaw,haaay,bakit nga ba?nalalabuan na ba kayo?basta,yun na yun.tuloy mo lang tulad ng dati.1..2..3..yikee!
Tuesday, September 26, 2006
sinong may pulang buhok? si angge! oo, hindi kayo nagkakamali ng basa, pula na nga ang buhok ko. actually, semi pula kasi ung mahahaba lang ang pula. kaya kung nakita mo man ako, wag mong isiping kinapos ako ng pangkulay (jhe,nababasa mo ba to?) istayl un para kuul..wateber.ayun, tapos nakuha ko na si celepono!woohoo! lingid sa inyong at pati na rin sa aking kaalaman, ang aking celepono ay isa rin palang champion diver. akalain mong tumalon siya sa timba!galing o! medyo napasama lang ang pagdidive kaya kinailangang iconfine sa ospital, kilala sa lahat bilang nokia center. at nung lingo lang e nadischarge na siya at ang pinakamaganda dun, walang “hospital bill”! yeah!san ka pa? ngayon, medyo dumaan siya sa munting makeover nang maisipan kong dikitan siya ng stickers para..ammm..kyut. lumipat na rin pala kami ng bahay, mga two weeks na yung nakalipas pero ngayon ko lang nasabi. ang layo nga e, hanggang ngayon naninibago pa rin ako. kasi naman tatawid ka lang andun ka na sa bagong bahay, ang layo talaga e.nakakapagod puntahan. sa school naman..ano ba? yung mga malulungkot na bagay, di na iniiyakan pa.sayang luha e. basta sa ngayon, masaya lang ang mga bagay bagay. sabi nga nila, it's a small world. small nga talaga.woohoo!kaibigan, mahal kita!Ü ayun, sige pa, ipagpatuloy mo lang ang paglalagay ng mga ngiti sa aking mukha at kakiligan sa aking buong pagkatao at..tama na ang corny na. basta, masaya.yikee..hahaha!babay na nga!Ü
Saturday, August 26, 2006
bagong post makalipas ang limang milyong light years.hahahaha!mustasa sa lahat!yeah!dapat nag-aaral ako ngayon.dapat.hahaha!nga pala,ako po'y nakikiusap na isama nyo ko sa inyong mga panalangin sa gabi,medyo tagilid kasi ako ngayon sa pagiging maroon.hahaha!kahit isang simpleng 'at si angge po,Kayo na pong bahala.' lang,sapat na yun.salamat!hahaha!ayun.mahirap ang lahat ng bagay para sa kin pero dahil kelangang kayanin,e kakayanin.yes,go angge!woohoo!tapos may 3 akong bagong crush at mga normal na tao sila!yey!si kuya dentistry,little boy blue at wala pa kong tawag dun sa isa.miss ko na ang highschool!ang tawanan,harutan,picnic time at paner time!yun yun e!miss ko na ang maria all star.sana magkita kita tayong muli..drama.hahaha!sila jhe,gad,mowdel at kat na lang kasi yung madalas kong makasama kaya sana kitakits ulet.alam nyo bang napapadalas na ang pagkakasakit ko ngayon?linggo linggo ata e may lagnat ako.bagong hobby!hahaha!ayun,isa na namang walang kwentang post.sige,babay!^_^
Friday, July 21, 2006
post post!hahaha!ngayon lang ulet ako nagnet e,ok,sinungaling ako,tinamad lang ako magpost.hahaha!ayun,ano na ba mga pangyayari sa buhay ko.ah,nilampaso ko yung apat kong dept exam.pag nilampaso,ibig sabihin di maganda yung results.oh well.hahaha!pero naka 70/95 ako sa ethnobotany!oo,di kataasan yun pero magandang grade na yun.defensive.ang saya!e kasi naman todo aral ako dun,as in minememorize ko yung buong notebook ko dun!haha!ngayon lang ulet ako nag-aral ng ganun para sa exam.haha!tapos ano pa ba?hoks naman peyups kaya lang may mga panahon na feeling mo e napakatanga mo dahil nuknukan ng talino mga blockmates mo,sa bagay UP yun e,dapat lang.hahaha!ayun..mga bagong crush..apat!yeah!hahaha!yun ang nagpapaligaya ng buhay e.haha!wala na kong maisip ilagay kaya babay na lang!^_^
Tuesday, June 27, 2006
halooo!hahaha!musta na?pasensya na sa mga nagbabasa nito,namely jhe,mau,kamahalan,meme,ot at cez,dahil,ehem,busy ako.busy kakatulog,kakakain,kakalakad.haha!ayun,ano na bang mga pangyayari sa buhay ko?na buena mano ako sa first test ko sa math,1 point na lang eh.kung bakit naman kasi yung bonus pa yung nasagutan ko!hahahaha!tapos nag p.e. kami kanina at nagulungan lang naman ako ng bola sa kamay,bowling ball yun ah.hahaha!tanga kasi yung bola,di nabigay pugay sa kin.kaya eto,injured ang left hand ko with matching bandaid sa very useful na daliri ko,ang pang dirty finger ko.uy,di naman ako nanggaganun.lam nyo namang lahat na hanggang hampas at gago lang ako e,depende na lang sa,ehem,gravity of the situation.hahaha!tapos kanina nakatulog ako sa fx at nagising ako ng maulinigan ko ang paghalakhak ng katabi ko na parang tuko kung makakapit sa tasyo nya,siguro dahil humuhilik na ko.siguro lang ah.hahaha!masaya ang buhay upinian,di pa naman siya kasing toxic tulad ng sinasabi nila.siguro next sem pa yun,o baka sa thursday na.hahaha!nstp lang kasi kami bukas e,kachuchuhan lang naman yun,pwede ngang di ko na siputin yun e.mowdel estyudent.haha!wala lang.ang dami kong gustong sabihin pero balewala din naman dahil di na mababalik pa yung nawala na.wala lang.tulad nga ng sabi ko kay cez,minsan,darating ka na lang sa point na ayaw mo na ng ganun.haaynakupotongmalupet..bahala na kayo!hahahaha!^_^
Wednesday, June 21, 2006
hi!hahaha!kakauwi ko lang galing school at nalate pa ko,namali ng classroom,nag-akyat baba sa college of pharmacy,nauntog sa jeep at lumamon sa jabee.daming pangyayari.haha!ayun,wala naman talaga akong sasabihin.may naisip sana akong isulat dito kaya lang baka sabihin ni jhe nagdadrama na naman ako kaya akin na lang yun.hahaha!kanina nstp,wala namang ginawa,introduce yourself chuchu lang tapos layas na kami.nga pala,may bago akong panga;an 'aligagang angge'.o diba?hahaha!walang kwentang post to.sige na,babay!^_^
Saturday, June 17, 2006
first week of college.ayos naman,medyo nakakapanibago ang mga bagay bagay kasi syempre bagong mga tao,mga salita,lugar.hahaha!saya nga sa school e,halos araw araw may rally.nagugulat na lang ako pag-uwi ko,nasa tv na pala kami dahil pinagbububugbog na yung mga upinian sa tapat ng school namin!adventure!haha!pero bilib ako sa mga yun,ang tatapang e.pag alam nilang tama sila at may pinaglalaban sila,wala silang pakialam sa mga mangyayari kapag pinaglaban nila yung alam nilang tama.kahit makulong,patayin,basta lalaban sila.go UP!sipsip.haha!ang reklamo ko lang ay 5:30 pa lang e binabaybay ko na ang kamaynilaan dahil 7 ang pasok ko.adventure din yun dahil 2 beses kong nililibot ang buong manila araw araw.araw araw.haha!nung orientation,tinakot nla kami.madali raw pumasok pero mahirap lumabas.mukhang susulitin ko ang maximum residency dun ah!hahaha!ayun,pansin ko lang,sumuko na pala sila no?lahat sila.suko na rin kaya ako?haha!nagdadrama ka na naman e,di bagay sayo,hunghang.haha!o siya,magpapakanerd muna ako.tambak kami ng hws e.babay!^_^
Subscribe to:
Posts (Atom)